Naglabas ng kautusan si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi na sila magbibigay ng appointment slots sa mga fixers.
Ito ay matapos dumagsa ang reklamo sa social media kaugnay ng kakulangan sa available passport appointment slots sa DFA website.
Reklamo pa ng netizens, napupunta lang naman ang passport appointment slots sa ang mga fixers.
Sa kanyang Twitter post noong March 8, 2022, sinabi ni Locsin na, “We are blocking those fixers. Their days are numbered.”
Dahil dito, simula March 14 ay papayagan na sa DFA Aseana office ang courtesy lane walk-in passport applicants, maging ang overseas Filipino workers (OFWs).
Ang mga eligible passport applicants ay ia-accomodate sa courtesy lane ng DFA office na nasa Aseana Business Park sa Parañaque City mula 1:00 p.m. hanggang 5 p.m.
Kailangang fully vaccinated laban sa COVID-19 ang mga passport applicants.
Paalala ng DFA, “Minor applicants will follow the vaccination status of their accompanying parents/guardians.”
Para naman sa mga OFWs, sinabi ng DFA na kailangan nilang ipakita ang kanilang current and valid employment contract para kung mag-a-apply o magre-renew ng kanilang passport sa courtesy lane.