Mananatili ang Metro Manila at 47 pang lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 1 mula March 16 hanggang March 31, 2022.
Inianunsiyo ito ng Malacañang ngayong March 15.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson and Communications Secretary Martin Andanar, ito ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Bukod sa NCR, nasa Alert Level 1 din ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Zambales, at Batangas, gayundin ang mga lungsod ng Lucena, Cebu, Ormoc, Tacloban, at Butuan.
Naririto ang iba pang lugar na nasa Alert Level 1:
LUZON
Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, Quirino Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Cavite, Laguna, Marinduque, Puerto Princesa City, Romblon, Naga City, at Catanduanes.
VISAYAS
Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo City, Siquijor, at Biliran.
MINDANAO
Zamboanga City, Cagayan de Oro City, Camiguin, at Davao City.
Ayon kay Andanar, ang mga lugar na hindi nabanggit sa itaas ay mananatili sa Alert Level 2.