PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga “patay” na pero nasa list of voters pa rin?

“The COMELEC cannot automatically remove them”
by KC Cordero
Published Mar 29, 2022
A Comelec official posting the list of voters.
Kailangan munang maglabas ng certification ng civil registry office ng Local Government Unit kung saan nakatala bilang botante ang deceased voter na talagang pumanaw na ito bago maalis ang pangalan niya sa official list of voters.

Patay na pero botante pa rin?

May paliwanag ang Commission on Elections (COMELEC) kung bakit ang mga taong matagal nang namayapa ay kabilang pa rin sa listahan ng mga botante.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia sa isang panayam sa radyo noong March 29, 2022, may proseso na dapat sundin sa pag-aalis ng mga pangalan ng mga deceased voters mula sa official list of voters.

A Comelec official posting the list of voters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Garcia, “We cannot immediately remove the names of those who died, because of Republic Act (RA) No. 8189 otherwise known as the continuing registration law.

“The COMELEC cannot automatically remove them.”

Ang civil registry office ng local government unit kung saan nakatala bilang botante ang deceased voter ay kailangang makipag-coordinate sa COMELEC.

Kapag naglabas ang naturang civil registry office ng certification na talagang pumanaw na ang botante, doon lamang tuluyang maaalis ang pangalan ng namayapa sa listahan ng election registration board ng COMELEC.

Dagdag ni Garcia, "Supposed to be, they [civil registry] should be giving regular updates to the COMELEC on that matter.

“However, it does not happen because they do not immediately issue these certifications."

Natalakay ang isyu sa panayam kay Garcia dahil sa pangamba na magamit ang pangalan ng mga patay nang botante sa pandaraya sa darating na halalan sa May 9, 2022.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may naitalang 613,936 namayapang Pinoy noong 2020 dahil sa paglaganap ng COVID-19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May naitala ring 700,000 na pumanaw mula January hanggang November 2021.

Marami sa mga pumanaw na ito ay registered voters.

Ipinaalala naman ni Garcia sa publiko na para makaboto sa araw ng halalan, kailangan na ang pangalan ng registered voter ay nasa Election Day Computerized Voting List (EDCVL) sa loob ng presinto.

Aniya, “If his name is in the Posted Computerized Voters Lists (PCVLs) which can be found outside the precinct, but cannot be found in the Election Day Computerized Voting List (EDCVL), he will not be allowed to vote.”

Before the elections on May 9, makakatanggap ang mga botante ng voter's information sheet (VIS) na ipapamahagi ng COMELEC.

Ang VIS ay nagtataglay ng voter’s name, address, ang presinto at lugar kung saan siya nakarehistro, at simpleng paliwanag kung paano ang tamang paraan ng pagboto.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kailangan munang maglabas ng certification ng civil registry office ng Local Government Unit kung saan nakatala bilang botante ang deceased voter na talagang pumanaw na ito bago maalis ang pangalan niya sa official list of voters.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results