Watch Now

PHP30K computer loan para sa GSIS members, muling binuksan hanggang June 30

by KC Cordero
Apr 4, 2022
GSIS announces reopening of PHP30K computer loan
Ang GSIS computer loan ay isang loan window para sa GSIS members upang makabili sila ng computer unit na magagamit sa kanilang work-from-home arrangement o sa online classes ng kanilang mga anak.

Muling binuksan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Ginhawa for All (GFAL) computer loan hanggang June 30, 2022.

Ayon sa pahayag ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet noong April 4, 2022, "Gusto naming mabigyan ng ginhawa ang ating mga miyembro na hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-avail nito noong nakaraang taon.

“Hopefully, the additional three-­month application period will give them sufficient time to apply for the loan."

GSIS announces reopening of PHP30K computer loan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang GFAL computer loan ay isang loan window para sa mga GSIS members upang makabili sila ng computer unit na magagamit sa kanilang work-from-home set-up o sa online classes ng kanilang mga anak.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang GSIS members ay makakapag-loan ng PHP30,000.

Babayaran nila ito sa loob ng tatlong taon, at may interes na six percent kada taon.

Ang pag-a-apply sa loan ay maaaring nang gawin online.

Paliwanag ni Macasaet, "The monthly amortization for the loan is only PHP983.33 and application may be done online through the newly-launched GSIS Touch mobile app, the GSIS Wireless Automated Processing System [GWAPS] kiosks, over-the-counter, or through drop boxes in all GSIS branches and extension offices nationwide."

Kuwalipikadong mag-apply sa loan ang mga active members na may permanent appointments, “and who have at least three monthly premium contributions for both personal and government shares.”

Kailangan din na ang government agency na kanyang pinagtatrabahuhan ay hindi classified na "suspended" at walang pending administrative or criminal case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin dapat na naka-leave of absence without pay ang miyembro

Kailangan din na wala siyang binabayarang GSIS financial loan, maliban na lang kung housing loan.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang GSIS website: www.gsis.gov.ph, o mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph.

Maaari ring tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe and TM subscribers) at 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, and Talk 'N Text subscribers).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang GSIS computer loan ay isang loan window para sa GSIS members upang makabili sila ng computer unit na magagamit sa kanilang work-from-home arrangement o sa online classes ng kanilang mga anak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results