Watch Now

Mas simple, mas matibay na PHP1,000 banknote, ilalabas ngayong April

by KC Cordero
Apr 7, 2022
The new PHP1,000 polymer banknote
Maraming taglay na security features ang bagong PHP1,000 polymer banknote para mapuksa ang counterfeiting. Matibay ito kumpara sa paper banknotes, hindi madaling kapitan ng virus, at maaaring i-sanitize nang hindi masisira.

Pinangunahan ni President Rodrigo Duterte noong April 6, 2022 ang presentasyon ng PHP1,000 polymer banknote sa ginanap na ceremonial program sa Palasyo ng Malacañang.

President Duterte inspecting the new banknotes

Sina Department of Finance (DOF) Carlos Dominguez III at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang nagprisinta sa Pangulo ng naka-frame na version ng 50 piraso uncut PHP1,000 polymer banknote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa BSP, palalakasin ng PHP1,000 polymer banknote ang kampanya ng pamahalaan para mapuksa ang counterfeiting.

The new PHP1,000 polymer banknote

Taglay ng bagong PHP1,000 polymer banknote ang “complex security features,” gaya ng Sampaguita clear window, serial numbers, shadow thread, vertical clear window, metallic features, blue iridescent figure, polymer substrate, tactile dots, embossed print, flying eagle, at enhanced value panel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin ito madaling kapitan ng virus at mga bacteria, at maaaring i-sanitize nang hindi masisira.

Ang mga bagong banknote ay hanggang limang beses na matibay kumpara sa mga perang papel kaya mas cost-effective.

Makikita sa harapan ng PHP1,000 polymer banknote ang Philippine eagle at bulaklak ng sampaguita.

Hindi binago ang dating disenyo ng likod gaya sa lumang PHP1,000 pero idinagdag ang sampaguita, ang coat of arms of the Philippines, at ang BSP logo.

Sisimulan itong ilabas ng BSP ngayong April.

Ayon sa BSP, parehong magagamit sa pagbabayad at mga transaksiyon ang PHP1,000 polymer banknote at ang kasalukuyang PHP1,000 paper banknote.

Ang Reserve Bank of Australia at ang Note Printing Australia ang namahala sa production ng polymer banknotes.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming taglay na security features ang bagong PHP1,000 polymer banknote para mapuksa ang counterfeiting. Matibay ito kumpara sa paper banknotes, hindi madaling kapitan ng virus, at maaaring i-sanitize nang hindi masisira.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results