Watch Now

Tumataginting na PHP25K ang premyo sa letter-writing contest ng Philippine Post Office

by KC Cordero
Apr 9, 2022
PHLPost announces the 51st International Letter Writing Competition for Young People
May letter-writing contest ang Philippine Post Office at ang Universal Postal Union para sa mga kabataang edad 9 hanggang 15.

Iniimbitahan ng Philippine Post Office (PHLPost) at ng Universal Postal Union (UPU) ang mga kabataang edad 9 hanggang 15 na lumahok sa 51st International Letter Writing Competition for Young People.

Layunin ng patimpalak na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan sa pamamagitan ng art of letter-writing.

Ayon sa pahayag na inilabas ng PHLPost noong April 6, 2022, "The contest is designed to develop the young people's skills in composition and the ability to express their thoughts clearly, to foster their enjoyment of letter-writing and to help strengthen the bonds of international friendship—one of the basic missions of the UPU."

Ang patimpalak ay suportado ng Department of Education (DepEd).

PAANO ANG PAGSALI?

Ang mga lalahok mula sa public and private schools ay kinakailangang sumulat ng liham sa isang “influential person about why and how to take action on climate change.”

Ang mga entries sa kumpetisyon ay dapat na nakasulat sa wikang English, handwritten o sulat-kamay, at walang bura o erasures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang liham ay hindi dapat lalampas sa 800 words.

Dapat ding taglay nito ang mga basic elements ng isang liham gaya ng heading, salutation, body of the letter, complimentary close and signature.

MAGKANO ANG PREMYO at mga dapat tandaan

Ang tatanghaling first prize ay tatanggap ng PHP25,000 cash with medal and presentation frame.

Para sa second prize, makatatanggap ito ng PHP15,000 with medal and presentation frame.

Ang third prize ay tatanggap ng PHP10,000 with medal and presentation frame.

Ipinaalala ng PHLPost sa mga lalahok na kailangan nilang ilagay sa isang hiwalay na papel ang mga sumusunod na impormasyon:

  1. Number of words ng sinulat na liham
  2. Complete name and home address, at gender ng participant
  3. Age and date of birth
  4. Colored photo ng participant (300 dpi minimum)
  5. Name and address ng school, at kung anong year o grade level ng participant
  6. Contact number ng school at ng participant.

Ang submission ng entries ay hanggang April 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iaanunsiyo ang pangalan ng mga nagwagi sa May 2.

Ito naman ang mga batayan para sa mananalong entries:

  1. Relevance to the theme of the composition (30 percent)
  2. Imagination and originality of the contents (20 percent)
  3. demonstrates a good style of writing and communication (20 percent)
  4. Demonstrates an extensive vocabulary (20 percent)
  5. Youthfulness of the tone (10 percent).

PAANO AT SAAN IPADADALA ANG ENTRIES?

Ang entries ay dapat na ilagay sa isang brown envelope at ipadala sa pamamagitan ng Domestic Express Mail Service (DEMS) sa address na ito:

UPU 51st International Letter Writing Competition for Young People (2022),

Post Shop, Philately and Museum Division, Philippine Postal Corporation,

3/F Manila Central Post Office Building, Magallanes Drive Liwasang Bonifacio, Barangay 659-A, Ermita 1000 Manila.

Ang mga entries na ipadadala sa pamamagitan ng private couriers ay awtomatikong disqualified.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag kay Ms. Joy Edralin-Cacho sa numerong ito: 8527-01-32, o bisitahin ang official website ng Philippine Postal Corporation: http://www.phlpost.gov.ph/

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May letter-writing contest ang Philippine Post Office at ang Universal Postal Union para sa mga kabataang edad 9 hanggang 15.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results