Watch Now

Veteran sportscaster Boyet Sison passes away at 58

by KC Cordero
Apr 16, 2022
Boyet Sison as Alam N'yo Ba presenter.
Ikinalungkot at ikinabigla ng mga kasamahan ni Jose "Boyet" Javelona Sison ang kanyang maagang pagpanaw. Ang veteran sports broadcaster ay regular host ng sports news shows ng ABS-CBN bago nawalan ng franchise ang network.

Pumanaw na ang veteran sports broadcaster na si Jose “Boyet” Javelona Sison, 58, ngayong Linggo, April 16, 2022.

Huli siyang napanood sa kanyang segment na “Alam N'yo Ba?” sa TV Patrol.

Boyet Sison as Alam N'yo Ba presenter.

Sa kanyang Facebook post noong April 10, sinabi ni Sison na ilang araw na siyang may stomach pain, at na-diagnose na may blockage sa kanyang large intestine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-admit siya sa Delos Santos Medical Center ngayong linggo, at sumailalim sa operasyon noong April 13.

Nagkaroon naman siya ng cardiac arrest makalipas ang dalawang araw.

Bago ipinasara ng House of Representatives ang ABS-CBN noong 2020, regular host si Sison ng sports news shows ng network.

Naging co-host siya sa programang "Fastbreak" sa DZMM ni dating senador Freddie Webb tuwing Sabado sa loob ng 13 taon.

Siya rin ang anchor sa programang “Hardball” ng ANC sa loob ng 14 na taon kasama ang sports commentator na si Bill Velasco.

Naging bahagi muli ng TV si Sison noong October 2021 bilang isa sa mga kapalit ni Kim Atienza.

Naging coliseum announcer din siya sa Philippine Basketball Association mula 2005 at 2012.

Isa rin siyang professional disc jockey at naging aktibo sa livestreaming noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Ging Reyes, head ng ABS-CBN Integrated News, "He was so happy to be back on TV beginning last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sports and music were his expertise, but I asked Boyet to try something new in TV Patrol, and he bravely did.

“For that, I will always be thankful."

Nagpahayag ng kalungkutan ang mga nakasama niya sa industriya.

Isinalarawan nila si Sison bilang isang mabait, masayahin, puno ng buhay, napakapositibo at tunay na kaibigan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinalungkot at ikinabigla ng mga kasamahan ni Jose "Boyet" Javelona Sison ang kanyang maagang pagpanaw. Ang veteran sports broadcaster ay regular host ng sports news shows ng ABS-CBN bago nawalan ng franchise ang network.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results