Watch Now

DepEd: Pasok sa public schools, suspendido mula May 2-13

by KC Cordero
Apr 18, 2022
DepEd's announcement of classes suspension in public schools on May 2-13
Gagamitin ng Department of Education ang mga araw mula May 2-13 para sa national election-related activities ng faculty at staff sa gaganaping May 9, 2022 national elections.

Inianunsiyo ng Department of Education (DepEd) na suspendido ang mga klase ng Kinder hanggang Grade 12 sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa simula May 2 hanggang 13, 2022.

Ang anunsiyo ay inilathala ng DepEd sa official Facebook account nito noong April 18.

DepEd's announcement of classes suspension in public schools on May 2-13

Ayon sa kagawaran, batay ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, o ang monthly school calendar of activities para sa School Year 2021-2022, na inilalaan ang mga nabanggit na petsa para sa national election-related activities ng faculty at staff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga guro ang namamahala sa mga polling precincts sa mga public schools kung saan isasagawa ang pagboto.

Magpapatuloy ang mga klase sa May 16.

Ipinabatid din ng DepEd na ang mga guro ay kinakailangan pa ring mag-report sa kanilang schools sa mga araw na walang gagawing election-related duties or activities.

Gaganapin ang national elections sa May 9.

Matatapos naman ang SY 2021-2022 sa June 24.

Inaasahan na mahigit 60 million voters ang lalahok sa 2022 national elections, na pinakaunang isasagawa sa ating bansa sa panahon ng pandemya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gagamitin ng Department of Education ang mga araw mula May 2-13 para sa national election-related activities ng faculty at staff sa gaganaping May 9, 2022 national elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results