Watch Now

No medium and large fries sa fast-food restos? Bakit?

by Bernie V. Franco
Apr 22, 2022
french fries
Naghahanap ka rin ba ang large fries? Ayon sa isang marketing officer ng isang fast-food chain sa Singapore malaki ang kinalaman ng “pandemic-related disruptions” sa limited supplies ng French fries sa iba't ibang bansa sa Southeast Asia.
PHOTO/S: Mak on Unsplash

Isa ka rin ba sa mga dumaan sa paborito mong fast-food store at nasabihan na hindi available ang large at medium-sized French fries?

Available pa rin naman ang regular fries sa combo meals ng ilang fast-food resto.

Pero marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit regular fries lang ang meron.

Nagkakaubusan na ba ng patatas? Ano ang dahilan ng tila limited supply ng French fries?

Nitong April 21, 2022, Huwebes, naglabas ng announcement ang McDonald’s na limitado ang fries supply dahil sa “global freight crisis.”

Available ang regular fries pero hindi ang bigger sizes, gaya ng medium, large, at BFF.

NETIZENS: NASAAN NA ANG PATATAS?

Pero hindi lang sa McDonald’s hinahanap ang French fries.

Facebook post ng isang netizen noong April 17, “Bakit walang large fries sa McDo, Regular fries na lang sa Jollibee, walang mashed potato sa KFC… Ano meron at nagkakawalaan ng patatas?”

Sabi ng isa pa, “Jollibee’ Walang large fries pero may regular fries."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

french fries

Isang netizen ang nag-tweet na nagki-crave ng potato wedges sa Greenwich at KFC mashed potato pero “laging unavailable.”

Ang isang netizen na nag-order sa Burger King, onion rings ang isinerve bilang pampalit sa fries. At sa gabi, walang available na fries at all sa ilang branches.

Tanong ng maraming netizens, meron bang “global potato shortage”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In-upload din ng isang netizen na nag-drive through sa McDonald’s at inirecord ang pagtatanong niya sa isang crew member kung bakit wala silang bigger-sized fries na ino-offer.

Paliwanag ng female crew member, may shortage mula sa kanilang supplier .

Narito ang ilang posts ng netizens tungkol sa French fries shortage:

french fries

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

french fries

french fries

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

french fries

SHORTAGE OF FRENCH FRIES, global?

Samantala, ang limited supply ng fries sa fast-food restos ay hindi lang nangyayari sa Pilipinas, kundi pati na rin sa mga karatig bansa, gaya ng Malaysia, Indonesia, South Korea, at Japan.

Sa katunayan, sa Japan ay nauna nang naging limited ang French fries sa fast-food restos noong December 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang kinalaman ng kasalukuyang pandemya kaya may shortage sa French fries supply.

Malaking factor dito ang “slow shipments of the frozen item from the U.S. and Europe,” ayon sa article na lumabas sa Fortune.com nitong February 18, 2022.

Ang “pandemic-related disruptions” ang pangunahing dahilan ng problema sa “global supply chain and distribution network,” paliwanag sa Fortune ni Diana Hoo, marketing manager ng KFC Singapore.

Dahil sa pandemic, mas naging mahigpit ang customs' checks at nagkaroon din ng labor shortages.

Karamihan kasi sa mga fast-food chains na ito ay gumagamit ng inaangkat na frozen fries.

Sa kaso ng KFC Singapore, ani Hoo, ang inaangkat nila ay imported fries mula sa U.S. at Europe.

Mas kaunti rin ang naaaning patatas sa Pacific Northwest—kung saan nagmumula ang tanyag na Idaho potatoes, which “have been exacerbated by congestion at U.S. and Canadian ports on the west coast.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naghahanap ka rin ba ang large fries? Ayon sa isang marketing officer ng isang fast-food chain sa Singapore malaki ang kinalaman ng “pandemic-related disruptions” sa limited supplies ng French fries sa iba't ibang bansa sa Southeast Asia.
PHOTO/S: Mak on Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results