"Rare" baboy-ramo, namataan sa Mt. Apo

by KC Cordero
Apr 22, 2022
A Philippine warty pig
Ang presence ng baboy-ramo o Philippine Warty Pig sa Mt. Apo ay indikasyon ng “progressive natural recovery of the peak area,” ayon sa Department of Environment and Natural Resources. Ang mga baboy-ramo ay itinuturing na “vulnerable” dahil sa patuloy na pagliit ng populasyon nila sanhi ng pagkasira ng kanilang natural habitat.

Good news!

May baboy-ramo pa sa Mt. Apo.

Ang Mt. Apo ay matatagpuan sa Davao Region.

Ang mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Davao ang actual na nakakita sa baboy-ramo o Philippine Warty Pig na itinuturing na rare.

May scientific name ito na Sus philippensis.

A Philippine warty pig

Ayon sa post ng DENR Davao sa kanilang Facebook page noong April 18, 2022, nagsagawa ang ilan sa kanilang mga tauhan ng annual Lenten climb monitoring sa Mt. Apo noong April 11-17.

Ito ay para tingnan ang paligid at ang tuktok ng bundok.

Sinilip din nila ang designated entry points, trails, at campsites sa loob ng Mt. Apo Natural Park para matiyak na maayos na naipatutupad ang trekking policies nito.

Doon na nakita ng team ang baboy-ramo.

Kinunan ng team ng video at larawan ang baboy-ramo, na maoobserbahang malusog ang pangangatawan.

The DENR Davao team

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng DENR Davao, ang presensiya ng baboy-ramo ay indikasyon ng “progressive natural recovery of the peak area” ng Mt. Apo.

Ang Philippine Warty Pig ay endemic o sa Pilipinas lang matatagpuan.

Nasa kategorya ito na “vulnerable” dahil sa patuloy na pagliit ng populasyon nito sanhi ng deforestation kaya nawawalan ng natural na tirahan.

Ayon sa post ng DENR Davao, “If the said threat worsens, they may soon be listed as endangered.”

Bawal ang mangaso ng baboy-ramo dahil kabilang ito sa mga protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147, o “An act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats, appropriating funds therefor and for other purposes” na nagkabisa noong July 30, 2001.

Nagpaalala naman ang DENR Davao sa mga trekkers sa Mt. Apo na huwag lalapitan o pakakainin ang baboy-ramo o kahit anong wild animals na makikita sa Mt. Apo para hindi mawala ang natural instinct ng mga ito na kusang maghanap ng kanilang sariling pagkain.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang presence ng baboy-ramo o Philippine Warty Pig sa Mt. Apo ay indikasyon ng “progressive natural recovery of the peak area,” ayon sa Department of Environment and Natural Resources. Ang mga baboy-ramo ay itinuturing na “vulnerable” dahil sa patuloy na pagliit ng populasyon nila sanhi ng pagkasira ng kanilang natural habitat.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results