Naglabas ng abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ang operasyon sa lahat ng consular offices nito sa buong bansa ay suspendido sa May 9, 2022.
Kaya sa mga applicants para sa “Passport and Authentication or Apostille,” sarado po ang tanggapan sa nasabing petsa.
Ito ay bilang pagsunod sa sa Presidential Proclamation No. 1357, na nagdedeklarang ang 2022 National and Local Elections ay special non-working holiday.
Inilabas ng DFA ang advisory noong May 6.
Magre-resume ang operasyon sa mga Consular Offices sa May 10.