Dalawang lugar sa South Korea, puwede nang puntahan ng mga Pinoy nang walang visa

by KC Cordero
Jun 1, 2022
Korean Embassy in Manila announces visa-free entry to Jeju, Yangyang starting June 1.
Umaasa ang Korean Embassy na ang visa-free entry ay magpapalaganap sa “people-to-people exchanges” sa pagitan ng South Korea at Pilipinas sa pamamagitan ng turismo.

Good news sa mga kababayan nating mahilig sa K-pop at K-drama!

Pinayagan na ng South Korea ang visa-free entry ng mga Pinoy sa Jeju Island at Yangyang simula ngayong June 1, 2022.

Ito ang inianunsiyo ng Korean Embassy sa Manila nitong Martes, May 31.

"For Jeju, Filipino tourists are allowed to enter the beautiful island via direct flights only and stay up to 30 days," ayon sa inilabas na statement ng Korean Embassy.

Dagdag pa nito, "Some airlines are reportedly planning to schedule direct flights from the Philippines to Jeju soon. However, tourists are not permitted to travel to other regions outside Jeju."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman sa pagbisita sa Yangyang, ang mga turistang Pilipino ay dapat na magbiyahe sa pamamagitan ng group tour program na inihanda ng mga designated travel agencies.

Mayroong walong travel agencies na authorized gumawa ng group tour programs para libutin ang Yangyang.

Ayon pa sa Korean Embassy, ang mga bisita sa Yangyang ay maaaring manatili nang hanggang 15 araw, at makapamasyal sa mga siyudad at lugar sa Gangwon Province at Seoul Metropolitan Area.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito, kailangang bumalik ng mga turistang Pinoy sa Pilipinas at magbiyahe mula sa Yangyang International Airport.

Ang mga turistang bibisita sa Korea ay kinakailangang magsumite ng negative RT-PCR test result na inilabas sa loob ng 48 oras, o ng negative rapid antigen test result na inilabas sa loob ng 24 oras bago ang departure time.

Ang mga fully vaccinated passengers ay exempted sa quarantine, ngunit kailangang mag-apply para sa Q-CODE bago ang departure.

Ang Q-CODE ay isang QR code na nagtataglay ng vaccination record ng pasahero.

Umaasa ang Korean Embassy na ang visa-free entry ay magpapalaganap sa “people-to-people exchanges” sa pagitan ng Korea at Pilipinas sa pamamagitan ng turismo.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umaasa ang Korean Embassy na ang visa-free entry ay magpapalaganap sa “people-to-people exchanges” sa pagitan ng South Korea at Pilipinas sa pamamagitan ng turismo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results