Isinarang muli sa publiko ang Manila Zoo simula noong June 1, 2022 para sa panibagong rehabilitasyon nito.
Ayon kay Alipio Morabe Jr., officer-in-charge ng Manila public recreation bureau, nagsasagawa ng minor retouch sa pintura sa mga dingding at signage.

“Ipi-finish natin yung mga hindi pa natatapos na enclosures. Mag-a-accessorize tayo ng ibang mga kulungan para mas mapaganda natin ang habitat ng mga animals natin,” ani Morabe.

Nagdesisyon aniya ang pamunuan ng zoo na pansamantalang isara ito sa publiko para matiyak ang kaligtasan ng lahat habang ginagawa ang rehabilitasyon.
Marami pa umanong aayusin sa loob ng zoo.

"Itsi-check natin ang enclosures kung talagang safe sa mga tao. Yung savanna maglalagay tayo ng trees para magkaroon ng shape yung ating herbivore animals.
“Yung ating outdoor reptiles, aayusin din ang filtration ng kanilang pond. Maglalagay din ng koi pond.”
Makakaasa aniya ang publiko na sa muling pagbubukas ng Manila Zoo ay mas marami itong atraksiyon.
“Mayroon tayong ipo-procure na mga zebra, kasi wala na tayong zebra. May darating din tayong mga hippopotamus saka ostrich. Hopefully this month kasi tapos na yung procurement, ide-deliver na.
“By next year, baka dumating na rin yung mga giraffe. Little by little, mapupuno na natin [ng animals] itong ating makabagong Manila Zoo.”
Tatapusin ang rehabilitasyon sa loob ng isang buwan, at magkaroon ng grand opening sa Hulyo.
May bayad na ang entrance pero may discount para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.
Ani Morabe, “For non-Manilans ay PHP200. Pag taga-Manila ay PHP100.”