Isang Oath for The Country o “Panunumpa Para Sa Bayan" ang magaganap kasabay ng oath taking ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa June 30, 2022 bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Ang okasyon ay pangungunahan ng Survivors’ Hub, na kinabibilangan ng mga survivors at naging biktima ng martial rule ng ama ni Bongbong na si Ferdinand Marcos Sr. mula 1972 hanggang 1986.
Gaganapin ang panunumpa ng mga biktima ng martial law sa Bantayog ng Mga Bayani sa Bantayog Road, Diliman, Quezon City.
Para sa mga gustong manood ng live streaming, i-click ang post na ito:
Iniimbitahan ng grupo ang publiko na makiisa sa panunumpa nito “to guard against tyranny, falsehoods and the trampling of people’s rights and freedoms.”
Ayon sa Amnesty International, mahigit 70,000 Pilipino ang na-torture, pinatay, o nawala noong panahon ng martial law sa Pilipinas.
Sa naging panayam ng The Source ng CNN Philippines kay president-elect Marcos noong October 2021, sinabi nitong hindi niya kailangang magbigay ng apology sa "atrocities" na naganap sa ilalim ng panunungkulan ng kanyang ama.
Aniya, "I can only apologize for myself, and I am willing to do that if I have done something wrong and if that neglect or that wrongdoing has been damaging to somebody."
Pinaniniwalaang ang naging kampanya para sa 2022 national elections ay punung-puno ng disinformation at pagtatangkang baguhin ang kasaysayan, partikular ang paglalarawan sa panahon ng martial law bilang “golden years.”
Ayon kay Tina Bawagan, ang tagapagsalita ng Survivors’ Hub, "The survivors are a vanishing breed, if not an endangered species and the time to correct falsehoods and lay bare the truth is now."
Dagdag pa niya, “Our group upholds the ideals of peace, truth, and respect for human rights and freedom. Many freedom fighters who experienced martial law atrocities have gone before us.
“Most of us remaining are in the last quarter of our lives.”
Pagbibigay-diin pa ni Bagawan, “We are appalled at how the Marcoses have attempted to deny that dark and gruesome period of history.
“If we do not deconstruct the narratives and bust the myths created now, no one will be left to tell our stories to the country and to the world.”
Dadalo rin ang mga grupong kinatawan ng mga kabataan sa “Panunumpa Para Sa Bayan” para ipasa sa kanila ng Survivors’ Hub ang tanglaw ng katotohanan.