Voter's registration, puwede na sa Metro Manila malls

by KC Cordero
Jul 13, 2022
Qualified voters registering for the Barangay and Sangguniang Kabataan Elections on December 5.
Para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa December 5, 2022, ilang malls sa Metro Manila ang ginawang venue ng Commission on Elections para sa voters registration upang mas maraming voter applicants ang ma-accomodate.

Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng listahan ng venues at petsa kung saan at kailan puwedeng magparehistro ang mga voter applicants sa ilang malls sa Quezon City, Caloocan, Malabon, Manila, Pasay at Pasig.

Maaari lang magparehistro ang mga voter applicants mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Naririto ang mga venues, petsa at kung sino ang mga puwedeng magparehistro:

QUEZON CITY

3rd District

  1. Maaaring magparehistro sa SM Fairview mula July 18 hanggang 23.
  2. Sakop nito ang mga sumusunod na barangay: Amihan, Bagumbuhay, Bagumbayan, Bayanihan, Blue Ridge A, Blue Ridge B, Camp Aguinaldo, Claro, Dioquino Zobel, Duyan-Duyan, E. Rodriguez, East Kamias, Escopa I, Escopa II, Escopa III, Escopa IV, Libis, Loyola Heights, Mangga, Marilag, Masagana, Matandang Balara, Milagrosa, Pansol, Quirino 2-A, Quirino 2-B, Quirino 2-C, Quirino 3-A, Saint Ignatius, San Roque, Silangan, Socorro, Tagumpay, Ugong Norte, Villa Maria Clara, West Kamias, White Plains

4th DISTRICT

  1. Maaaring magparehistro sa M. Place Mall, South Triangle, mula July 11 hanggang 16; Robinsons Magnolia mula July 15 hanggang 16, at sa July 18; SM Sta. Mesa mula July 19 hanggang 23.
  2. Sakop nito ang mga sumusunod na barangay: Bagong Lipunan ng Crame, Botocan, Central, Kristong Hari, Damayang Lagi, Doña Aurora, Doña Imelda, Doña Josefa, Don Manuel, East Triangle, Horseshoe, Immaculate Conception, Kalusugan, Kamuning, Kaunlaran, Krus na Ligas, Laging Handa, Malaya, Mariana, Obrero, Old Capitol Site, Paligsahan, Pinyahan, Pinagkaisahan, QMC, Roxas, Sacred Heart, San Isidro Galas, San Martin de Porres (Cubao), San Vicente, Santo Niño, Santol, Sikatuna Village, South Triangle, Tatalon, Teachers Village East, Teachers Village West, U.P. Campus, U.P. Village, Valencia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

5th DISTRICT

  1. Maaaring magparehistro sa SM Novaliches mula July 11 hanggang 16, at sa SM Fairview mula July 18 hanggang 23.
  2. Sakop nito ang mga sumusunod na barangay: Bagbag, Capri, Fairview, Greater Lagro, Gulod, Kaligayahan, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Novaliches Proper, Pasong Putik Proper, San Agustin, San Bartolome, Santa Lucia, Santa Monica

PASAY CITY

1st at 2nd Districts

  1. Maaaring magtungo sa Galleon Level 1, Entertainment, SM Mall of Asia, mula July 11 hanggang 23.

MANILA

3rd district

  1. Maaaring magparehistro sa Lucky Chinatown Mall sa July 11 hanggang 16, at sa SM San Lazaro mula July 18 hanggang 23.
  2. Sakop nito ang mga sumusunod na barangay: Binondo, Quiapo, San Nicolas, Santa Cruz

CALOOCAN CITY

2nd DISTRICT

  1. Maaaring magparehistro SM Grand Central mula July 12 hanggang 23.
  2. Sakop nito ang mga sumusunod na barangay: 5–76, 86–131.

MALABON CITY

  1. Lahat ng kuwalipikadong magparehistro sa Barangay Potrero, Malabon City ay maaaring magpatala sa kanilang barangay hall mula July 14 hanggang 16.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PASIG CITY

1st DISTRICT

  1. Maaaring magparehistro sa Robinsons Galleria mula July 18 hanggang 23.
  2. Sakop nito ang mga sumusunod na barangay: Bagong Ilog, Bagong Katipunan, Bambang, Buting, Caniogan, Kalawaan, Kapasigan, Kapitolyo, Malinaw, Oranbo, Palatiw, Pineda, Sagad, San Antonio, Sa Joaquin, San Jose, San Nicolas, Santa Cruz, Santa Rosa, Santo Tomas, Sumilang, Ugong

Ang nationwide voter registration na sinimulan noong July 4 ay matatapos na sa July 23.

Isinasagawa ang naturang election activity para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa December 5.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa December 5, 2022, ilang malls sa Metro Manila ang ginawang venue ng Commission on Elections para sa voters registration upang mas maraming voter applicants ang ma-accomodate.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results