Ngayong suweldo weekend, kaliwa’t kanan ang sale sa mga online shopping sites.
At unbelievably bagsak presyo ang maraming panlinis items ke pang-banyo o pang-kusina o para sa personal na gamit.
Nilista ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga sulit deals na hindi dapat palampasin.
PANLINIS SA BANYO
TOILET STAIN REMOVER: PHP25 ON SHOPEE
Hindi nakapagtatakang halos 100,000 pieces ang benta nito sa isang online store sa Shopee dahil maganda ang reviews ng mga naka-try na gumamit.
Hindi siya brush. Isa siyang strip ng “pumice” stone na may handle.

Intially, naisip ng writer na ito ba baka puwede siya sa talampakan, pero hindi puwede kasi napakatigas niya.
Kung balak mo nang palitan ang iyong toilet bowl dahil sa stain, i-try mo muna itong gamitin kasi kaya nitong tanggalin maski kalawang.
Hindi lamang sa porcelain bowls siya umuubra kundi pati na rin sa mga tiles na nag-iba na ang kulay dahil sa duming kumapit.
FLUSH DEODORIZER: PHP3 ON LAZADA
Isang Lazada customer ang nagsabing halos six days ang itatagal ng flush deodorizer na ito bago matunaw.

Isa pa ang nagsabing “hindi talaga bumabaho ang toilet” basta lagyan mo ng ganito.
And yes, it also doubles as a cleaner or stain remover.
CIF PRO CREAM LEMON BOTTLE at and PRO SPRAY MULTI-PURPOSE: PHP62 and PHP55, respectively on shopsm
Sa ShopSm, 50 percent off ang dalawang panlinis sa mga tiles, mirrors, windows, pati na rin sa mga towel and tissue holder sa banyo.
Magagamit rin sila sa kusina at ipa pang parte ng bahay.

PANLINIS SA KUSINA
STAINLESS STEEL CLEANING CREAM PASTE: PHP23.75 on LAZADA
Speaking of kusina, libu-libo ang sumubok sa cleaning paste na ito na sinasabing nakakatanggal ng stain sa mga kaldero at maging oil sa kawali kapag nagprito.
Kung babasahin ang mga comments, may mixed reviews ang users. May mga nagsabing hindi siya nakakatanggal at all ng mantsa.
May mga napa-order naman ulit dahil effective daw at matipid gamitin.

MAGIC SPONGE: PHP4 (THIN); PHP13 (THICK)
Nasubukan ng writer na ito ang thin version ng sponge, na ginamit pang-scrub ng matigas na tutong sa rice cooker. Effective naman.
Careful lang sa pag-is-is sa mga kaldero o kawaling may coating dahil kaya niyang burahin pati ang kulay.

Halos two months din ang itinagal bago siya lumambot. Note na ginamit rin siya as a regular sponge para sa mga plato.
MOLD GAP CLEANER: PHP55 ON SHOPEE
Para mas mabilis ang paglilinis, gumamit ng tamang cleaning tools and agents.
Ang mga molds in between o sa singit-singitan ng tiles ay hindi uubra sa normal bleach unless kuskusing mabuti.
Pero sa miracle gel na ito, isang guhit lang sa nilinis na gap ng tiles at magmumukhang bago ulit.

Ang product ay “highly-recommended” ng mga happy customers dahil bukod sa effective ay madali ring gamitin ang squeezable flip-top bottle nito.
PANLINIS SA PERSONAL NA GAMIT
CLEANING BRUSH: PHP5 ON SHOPEE
Punta naman tayo sa personal na gamit, gaya ng laptop o computer.
Ano ang pinanlilinis mo sa keyboard? Toothbrush? Cloth?
Mas maigi siguro kung gumamit ng talagang swak na cleaning brush. Dikit-dikit kasi ang bristles ng toothbrush at hindi makakapasok sa singit-singit ng mga letra sa keyboard.

Puwede rin gamiting ang cleaning brush na ito sa mga filters sa purifier, aircon, at maging sa bladeless fans.
Pero hindi siya uubra sa makapal na alikabok sa bintana.
ABSORBENT CLOTH/WIPE/TOWEL: PHP5 ON SHOPEE
As one of the top products of an online shoppine site, meron ka dapat nito sa desk, sa kotse, at kahit sa bag.
Panlinis ng mesa, ng mga gamit, ng natapong kape, ng dashboard sa kotse, at puwede ring ipatong ang inumin para hindi magmarka sa mesa ang tubig.
Sa isang store, over 380,000 ang nabenta nito, and majority ng customers ay happy.
Useful kasi at madali pang matuyo kapag nilabhan.

Clorox, Glad, Pine-sol, and Prestone products at 20% off
Sa Lazada mamayang gabi, July 15, at 6:30 p.m., may online selling si Mariel Padilla featuring her favorite products na panlinis sa bahay at mga damit.
Until July 17 ang promo na ito kaya huwag palalampasin.
