DSWD tutulong sa single moms na habulin ang ama ng kanilang anak para sa financial support

by KC Cordero
Jul 22, 2022
DSWD Secretary Erwin Tulfo
Iniutos ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa lahat ng field offices ng ahensiya na tulungan ang mga nanay na makakuha ng suporta sa ama ng kanilang anak. “Puwede po kayong lumapit sa amin sa DSWD kung may mga tatay na ayaw magsustento sa mga anak nila."

Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng departamento na maging laging handa sa pagtulong sa mga ina na naghahabol ng suporta mula sa mga ama ng kanilang mga anak.

Sa press release na inilabas ng DSWD noong July 21, 2022, sinabi ni Tulfo na ang Article 195 ng Family Code ay nagbibigay-diin na ang mga magulang ay “legally required” na suportahan ang kanilang mga supling.

Nakasaad din sa Article 194 ng Family Code na kabilang sa mga suportang dapat ipagkaloob ng parents sa kanilang mga anak ang maayos na nutrisyon, tirahan, damit, pagpapagamot, edukasyon, at transportasyon.

Paglilinaw ni Tulfo, “Hindi ko naman sinabi na kakasuhan namin agad ang hindi nagbibigay ng child support. Nasa batas po kasi natin, matik [automatic] sa batas na kailangang suportahan ang bata.

“Maaaring pinansiyal o pag-aralin mo. Ang sinasabi ko, kung may trabaho at usually malalaman natin iyan sa misis kung may trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa Article 201 ng Family Code, “The amount of support…shall be in proportion to the resources or means of the giver and to the necessities of the recipient.”

Hinikayat ni Tulfo ang mga ina na ilapit sa DSWD ang kanilang mga hinaing dahil matutulungan sila ng departamento para makakuha ng suporta mula sa ama ng kanilang anak.

Aniya, “Puwede po kayong lumapit sa amin sa DSWD kung may mga tatay na ayaw magsustento sa mga anak nila. Provided na yung tatay ay may trabaho o may kinikita.

“Susulatan po namin, magde-demand kami na sustentuhan niya yung anak niya. Otherwise, ipapasa po namin ito sa korte at bahala na po ang Public Attorney’s Office [PAO].

“Tutulungan din po natin na ilapit sa IBP [Integrated Bar of the Philippines] para magsampa ng kaso.”

Idinagdag ng kalihim na tutulong din ang DSWD sa mga ina sa isyu ng child custody.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iniutos ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa lahat ng field offices ng ahensiya na tulungan ang mga nanay na makakuha ng suporta sa ama ng kanilang anak. “Puwede po kayong lumapit sa amin sa DSWD kung may mga tatay na ayaw magsustento sa mga anak nila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results