PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang paglago ng live selling sa Pilipinas, pangmatagalan nga ba?

Nitong pandemya, maraming nawalan ng trabaho ang naligtas ng online selling.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Aug 15, 2022
mariel rodriguez tuesday vargas
Sina Mariel Rodriguez at Tuesday Vargas ay dalawa lang sa celebrities at ilan lang sa napakaraming Pinoy na nag-venture sa online selling na isang modernong paraan ng pagnenegosyo at nagko-contribute sa lumalaking gig economy ngayon.
PHOTO/S: Facebook

Nag-react ang actress/host na si Tuesday Vargas nitong Saturday, August 6, 2022, sa mga puna at pagtataka tungkol sa kanyang gig, ang pagla-live selling sa Facebook.

Paliwanag ni Tuesday sa kanyang post, “Marangal na kabuhayan ang pagbebenta at hindi ko ito ikinakahiya.

“Lahat ng oras na libre ay ginagawa kong kapaki-pakinabang dahil nanay ako at gusto kong punuan ang pangangailangan ng pamilya ko.”

Hindi rin kaila na maging si Mariel Rodriguez ay isa rin sa celebrities na pinasok din ang online live selling.

tuesday vargas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Tuesday Vargas, walang dapat ikahiya sa kanyang pag-o-online selling dahil marangal itong paraan para kumita.

Sa interview ni Mariel sa PEP.ph, ikinukunsidera niyang "true calling” ang live selling.

Read:

Tunay na hindi matatawaran ang diskarte at sipag ng mga Pilipinong humanap ng paraan para lumago ang kanilang kabuhayan.

Katunayan, bago pa maranasan ang pandemya, laganap na ang mga walang awat na suma-sideline at ruma-raket para sa pangarap, maski na ang mga katulad nina Tuesday at Mariel na kung tutuusin ay hindi naman salat sa buhay.

Yun nga lang, mas higit na nabigyan ng spotlight ang mga freelance money-making opportunities dahil sa iba’t ibang pagsubok na dulot ng COVID-19.

Sa isang TV Patrol report nito lamang Miyerkules, August 10, naiulat ang patuloy na paglago ng tinatawag na gig economy o platform economy na nagbibigay oportunidad sa mga Pinoy na magkaroon ng dagdag at mas malaking kita gamit ang sari-saring diskarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MGA RAKET ONLINE, PATOK NOON PA MAN

Maraming negosyo at ordinaryong tao ang nakinabang. Kabilang na rito si Mafe Elambayo, na mas piniling magpundar ng sariling sasakyan imbes na umasa lamang sa kita ng kanyang asawa na nagtatrabaho bilang seaman.

Aniya, “Mas maganda magkaroon ka ng sarili mong business. Pag may business ka, hawak mo yung oras mo, kumikita ka ng sarili mong pera, tapos kasama mo pa ang mga anak mo sa bahay.”

Ayon sa isang payment platform na Payoneer, pang-anim sa fastest growing markets for gig economy ang Pilipinas noon pa lamang 2019.

Ibig sabihin, marami na ang gumagamit ng diskarteng pagpi-freelance kahit wala pa ang pandemya, lalo na at nasanay na rin ang mga tao sa paggamit ng online transactions.

Isa pa sa mga pinaka-popular na raket ay ang tulad ng kay Kristine Concepcion na eight years nang online teacher.

Base sa interview sa kanya ng reporter na si Wenna Cos, malaki ang naitulong ng kanyang online gig upang umasenso kahit walang regular na payroll.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Katunayan, nasustentuhan nito ang kanyang mga pangangailangan at maging ang kanyang mga luho.

Kuwento ni Kristine, “Sobrang flexible ng schedule ko. The more you teach, the more you earn.

“Nakapag-ipon naman ako, and at the same time, nae-enjoy ko yung mga gusto kong gawin.”

IS GIG ECONOMY FOREVER? BEWARE THE SCAMMERS

Bagamat maraming benepisyo, may ilan pa rin ang hindi kumbinsido sa staying power ng mga ganitong trabaho.

Dahil wala silang seguridad na tulad ng sa isang regular na empleyado at per-project basis lamang ang kanilang nakukuhang bayad.

Wala ding mga benepisyo gaya ng SSS, Pag-Ibig, at Philhealth ang mga rumaraket online.

Higit sa lahat, nariyan ang panganib na dulot ng mga naglipanang scammers.

Kaya’t ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay kasalukuyang tinututukan ang sektor upang alamin kung paano masosolusyunan ang mga issues na sangkot dito.

Sa ngayon, wala pang sapat na datos ang DOLE kung ilang mga Pilipino ang kumikita sa pamamagitan ng pag-sa-side hustle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Institute for Labor Studies (ILS) Director Charisma Lobrin-Satumba, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga grupo ng gig at platform professionals upang alamin kung paano pang mas mapapalakas ang kanilang sektor.

Aminado ang ahensiya na malaki ang naitutulong nito upang punan ang kakulangan ng trabaho sa bansa.

Ani Satumba, “May mga displaced workers na, alam naman natin na maraming kumpanya ang naapektuhan.

“Kung hindi man sila nagsara ay na-lessen ung kanilang capacity para mag-absorb ng mga tao. So hindi talaga kaya.

“At itong gig economy ay yung nag-provide ng additional talaga na jobs.”

Sa tulong ng mga bagong opportunities dala ng pag-evolve ng ating mundo at hangga’t may mga Pilipinong hindi sinusukuan ng lakas para magtrabaho, maasahan ng lahat na walang makakaawat sa patuloy na pagsigla ng gig economy!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Mariel Rodriguez at Tuesday Vargas ay dalawa lang sa celebrities at ilan lang sa napakaraming Pinoy na nag-venture sa online selling na isang modernong paraan ng pagnenegosyo at nagko-contribute sa lumalaking gig economy ngayon.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results