PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ferdinand Marcos Jr. palalawigin ang state of public health emergency

Nagpa-second booster shot na siya.
by KC Cordero
Published Aug 18, 2022
PBBM gets his second booster shot
Tumanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang second booster shot sa ginanap na "PinasLakas" vaccine campaign sa Lungsod ng Maynila. Sinabi niyang posibleng palawigin pa ang state of public health emergency.

Ikinukunsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng bisa ng state of public health emergency sa gitna ng patuloy na pagtaas ng naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa panayam sa kanya ng media nitong August 17, 2022, sa ginanap na "PinasLakas" vaccine campaign sa Lungsod ng Maynila, sinabi ni Marcos Jr. na tinalakay na niya kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang posibilidad na paabutin ito hanggang katapusan ng taong kasalukuyan.

PBBM at the PinasLakas campaign in Manila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Yes, we were just discussing it with [Health Undersecretary Ma. Rosario] Vergeire because maraming mga ibinibigay sa international medical community kapag state of emergency.

“At kung itigil natin yung state of emergency, matitigil yun.”

Binanggit din ng Pangulo na may plano rin ang pamahalaan na amyendahan ang batas sa procurement.

“But if we can change, we are looking at amending the law in terms of procurement and all of that in the middle of an emergency.

“But that will take time. So, malamang we will extend it until the end of the year.”

Ang tinutukoy niya ay ang Republic Act (RA) 11525 o ang batas para pabilisin ang proseso sa pagbili ng bakuna.

Noong August 16 ay sinabi ni Vergeire na inirekomenda ng DOH ang pag-amyenda sa mga probisyon sa RA 11525 sakaling hindi na palawigin ang state of emergency dahil sa pandemya.

Tinukoy ni Vergeire na bukod sa national COVID-19 vaccination drive, may iba pang protocols na kaugnay sa pagdedeklara ng state of calamity, kabilang ang “emergency use authority for coronavirus jabs, emergency procurement of vaccines, tax exemptions for vaccine manufacturers and donors, price caps on medicines used for Covid-19 treatment, and additional benefits of healthcare workers.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang idineklara noong March 16, 2020 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong bansa sa loob ng anim na buwan dahil sa panganib na dulot ng COVID-19.

Pinalawig ito hanggang September 12, 2021 sa pamamagitan ng Proclamation 1021.

Sa pamamagitan naman ng Proclamation 1218, pinalawig pa ang state of calamity hanggang 12, 2022 para maipagpatuloy ang implementasyon ng COVID-19 vaccination program, makakalap ng pondo para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong populasyon at makontrol ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Samantala, sa ginanap na "PinasLakas" vaccine campaign ay tinanggap ng Pangulo ang kanyang second booster shot laban sa COVID-19.

Si DOH OIC Usec. Vergeire ang nagbakuna sa kanya.

Hinikayat din niya ang publiko na magpabakuna at magpa-booster shot bilang karagdagang proteksyon laban sa virus.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang second booster shot sa ginanap na "PinasLakas" vaccine campaign sa Lungsod ng Maynila. Sinabi niyang posibleng palawigin pa ang state of public health emergency.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results