PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Public desk ng Marcos Jr. administration

Feedback mechanism, binubuo na
by KC Cordero
Published Aug 19, 2022
Photo of Secretary Trixie Cruz-Angeles
Kinikilala ni Secretary Trixie Cruz-Angeles ang kalahalagahan ng public feedback sa nagiging performance ng mga ahensiya ng kasalukuyang pamahalaan, kabilang na ang Office of the Press Secretary.

May plano na ang Office of the Press Secretary (OPS) para maging mabilis ang pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pangangailangan ng publiko.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang Facebook post nitong August 19, 2022.

Ayon sa kalihim, "Sa kasalukuyan, patuloy tayong bumubuo ng mas komprehensibong feedback mechanism para mabigyan ang lahat ng boses sa ating mga polisiya at programa.”

Kinilala ni Cruz-Angeles ang kalahalagahan ng public feedback sa nagiging performance ng mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang na ang OPS.

Sa kanyang virtual na pagdalo sa ginanap na Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing noong August 15, sinabi ni Cruz-Angeles na bahagi ng mandato ng OPS na marinig ang sentimyento ng mga Pilipino at hindi basta iparating lang sa publiko ang mga impormasyon sa mga polisiya, programa at mga naisakatuparan ng Marcos administration.

Aniya, sa pamamagitan ng mas pinalakas na feedback mechanism ay mas makatutugon ang buong pamahalaan sa pangangailangan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We want to be more responsive not just in OPS, but as the entire government to be more responsive, ani Cruz-Angeles.

Para maisakatuparan ito, nagsasagawa na ang kanyang tanggapan ng performance evaluation ng PTV-4 at Radyo Pilipinas.

"Ang feedback mechanism natin pagdating sa television at sa radyo, number one is yung ratings nga namin. Tinitingnan po namin nang maige iyan kung nahihikayat naming makinig ang mga tao doon sa aming mga istasyon.”

Gumagamit din aniya ang OPS ng social media platforms para ma-monitor ang damdamin ng netizens.

"Nakikita po natin, nagbubunga na po itong pag-organize ng OPS ng iba't ibang information officers.

"Ang nakukuha po namin ay yung pagpapasalamat, halimbawa doon sa mabilisang paglabas ng impormasyon nitong last na lindol."

Sa bisa ng Executive Order (EO) 2 na nilagdaan ni Marcos Jr. noong June 30, binigyan ang OPS ng kapangyarihan na pangasiwaan ang PTV-4, IBC-13, Radyo Pilipinas, at Philippine News Agency (PNA).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Radio Television Malacañang ay isinailalim naman sa Presidential Management Staff, habang ang Philippine Information Agency ay sa Office of the President.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinikilala ni Secretary Trixie Cruz-Angeles ang kalahalagahan ng public feedback sa nagiging performance ng mga ahensiya ng kasalukuyang pamahalaan, kabilang na ang Office of the Press Secretary.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results