PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Batang edad 5 pataas, dapat nang ikuha ng national ID

Walang hassle sa enrollment kapag nagsimula nang mag-aral.
by KC Cordero
Published Aug 31, 2022
Kids doing the Step 2 of application for national ID
Ayon sa Philippine Statistics Authority, dapat nang ikuha ng parents o guardians ng national ID ang mga batang limang taon pataas. (Photos courtesy of [L] Chechay Mieraff Tuazon and [R] Jho Bie)

Importante para sa mga magulang na iparehistro ang kanilang anak na limang taon pataas para magkaroon ng national ID.

Ito ang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong August 28, 2022.

Ayon kay Emily Pagador, officer-in-charge and assistant national statistician ng Use Case Development and Management Service (UCDMS) ng PSA, ang pinakaunang benepisyo para sa batang may national ID o rehistrado sa Philippine Identification System (PhilSys) ay ang smooth enrollment process kapag nag-aral na ito.

Pahayag ni Pagador, “Mas maganda po sana kung mai-register niyo na rin yung anak niyo kahit five years old pa lang siya.

“Huwag nang hintayin na 14 years old kasi di natin masasabi kung kailan nila kakailanganin yung national ID.”

Art card about the requirements when kids apply for national ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para maiparehistro ang bata, ang parents or guardians ay kailangang magdala ng mga sumusunod na requirements:

  1. PSA birth certificate ng bata
  2. school ID
  3. valid government ID ng parent or guardian.

Gayunpaman, kailangang i-update ang biometric information ng bata pagsapit sa edad 14.

Sinabi pa ni Pagador na ii-incorporate at ii-integrate ng PSA national ID sa mga processes and databases ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

“Mayroon kaming mga programa na eventually i-integrate natin yung ibang systems ng gobyerno.”

Bukod aniya sa makakatulong ang national ID sa enrollment ng bata, may tiyak na agad itong hawak na valid ID na karaniwang problema ng mga Pilipino kapag may transaksiyon sa mga tanggapan ng pamahalaan at pribadong kumpanya.

Maaari rin itong gamitin ng bata sa pag-o-open ng bank account.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa Philippine Statistics Authority, dapat nang ikuha ng parents o guardians ng national ID ang mga batang limang taon pataas. (Photos courtesy of [L] Chechay Mieraff Tuazon and [R] Jho Bie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results