Oldest public high school sa Pilipinas, nagdaos ng 120th founding anniversary

by KC Cordero
Sep 5, 2022
Art card about the 120th founding anniversary of TNHS
Pinakamatandang public high school at naging sentro ng pinakamatanda na ring public school system sa Pilipinas, ang Tarlac National High School ay naging pandayan din ng kaisipan ng ilan sa mga prominenteng Pilipino.

Nagdaos ng 120th founding anniversary ang Tarlac National High School (TNHS) noong September 1, 2022.

Ang TNHS ang pinakamatandandang public high school at sentro ng pinakamatanda na ring public school system sa Pilipinas.

Main building of TNHS

Itinatag ito ng American Thomasites noong September 1902.

Kabilang sa mga naging produkto ng TNHS si dating Foreign Affairs Secretary Carlos P. Romulo, na signatory ng Pilipinas sa United Nations Charter nang itatag noong 1946.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Romulo rin ang kauna-unahang Pilipino na naging secretary-general ng United Nations 4th Session General Assembly noong 1949.

Ang iba pang prominenteng pigura na nagtapos sa TNHS ay sina Jose Roy Moncada, ang unang senador mula sa Tarlac kung saan ipinangalan ang isang bayan sa kanya; former University of the Philippines President Onofre Corpuz, na naging kalihim ng Ministry of Education; at ang lawyer-journalist na si Jorge Bocobo na principal author ng Civil Code of the Philippines.

Noong 2017, nagpasa ang Tarlac City council ng resolusyon para kilalanin ng National Historical Commission (NHC) ang TNHS na isa sa national historic sites sa ating bansa.

Nagsimula ang operasyon ng TNHS sa main Gabaldon-type building at social hall nito noong 1902.

Gabaldon type school building

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Gabaldon school building ang unang disenyo ng mga classroom sa Pilipinas, alinsunod sa Act No. 1801 o ang the Gabaldon Law, na inakda ni Isauro Gabaldón noong 1907 Philippine Assembly.

Batay sa nasabing batas, naglaan ng PHP1 milyon para sa pagpapatayo ng modern public schools sa buong Philippine Islands mula 1908 hanggang 1915.

Ang Gabaldon-type buildings ay itinayo ng American colonial government, at idinisenyo ng American architect na si William E. Parsons.

Ang standard na sukat nito ay 7 by 9 meters (23 ft × 30 ft), may mataas na ceiling para sa bentilasyon at liwanag, at may malalaking bintana.

Noong 2021, para bigyang diin ang kahalagahan para sa kultura at kasaysayan ng Gabaldon, naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng Gabaldon Schoolhouse Contest 2021.

Contest about Gabaldon school type building

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“These Gabaldon school buildings are historical structures where generations of Filipinos first experienced the light of knowledge and wisdom. We must preserve these structures and even promote them as a reminder of our nation’s rich history,” pahayag noon ni former Department of Education Secretary Leonor Magtolis Briones.

Samantala, sa kasamaang palad, nasunog ang TNHS Gabaldon building noong October 28, 2015.

Nagdaos naman ng misa ang TNHS bilang paggunita sa 120th founding anniversary nito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinakamatandang public high school at naging sentro ng pinakamatanda na ring public school system sa Pilipinas, ang Tarlac National High School ay naging pandayan din ng kaisipan ng ilan sa mga prominenteng Pilipino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results