PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paano makakuha ng ePhilID, ang printable version ng national ID?

Magagamit ito habang wala pa ang physical ID.
by KC Cordero
Published Oct 4, 2022
Explanation about ePhilID
Nagsimula na ang rollout ng ePhilID, ang electronic version ng national ID. Sa PhilSys registration centers lang ito maaaring i-print, at magagamit habang wala pa ang physical na PhilSys ID.

Isinasagawa na ang pilot test ng printing ng electronic version ng national ID na magiging alternatibo habang wala pa ang physical ID.

Ito ang inihayag ni Dennis Mapa, ang national statistician and civil registar general ng Philippine Statistics Authority, noong October 3, 2022.

Ani Mapa, target ng Philippine Statistics Authority na makapag-release ng 20 million electronic versions ng national ID na tatawaging "ePhilID" hanggang sa katapusan ng 2022 para maabot ang target na 30 million cards.

Ang ePhilID ay ipi-print sa PhilSys registration centers, at maaari itong ipa-laminate.

Taglay ng ePhilID ang mga functionality at validity ng physical ID.

Nagsimula na ang rollout ng electronic version sa National Capital Region, Bulacan at Pampanga.

Isasagawa ito sa buong bansa.

Ang pagre-release ng physical national ID cards ay naantala dahil naging limitado ang kakayahang mag-imprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang printing partner ng PSA.

Plano ng BSP na magdagdag ng mga makina para mas mapabilis ang proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, nasa 70 milyong Pilipino na ang nakapagpatala para sa national ID o PhilSys Registration, ayon sa PSA.

HOW TO CLAIM YOUR ePhilID

Libre ang ePhilID. Naririto ang mga proseso para makakuha nito:

  1. I-access ang https://trn-verifier.philsys.gov.ph. Basahin ang Privacy Notice at i-check ang box sa "I Agree" para magpatuloy sa proseso.
  2. Ilagay ang transaction number na nakasaad sa transaction slip na ibinigay matapos ang inyong PhilSys Step 2 Registration.
  3. Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon (pangalan, e-mail address at contact number). Magpapadala ng code sa ibinigay na contact details kaya siguraduhing ang mobile number at/o e-mail address ay kasalukuyang aktibo.
  4. Pumili ng registration center kung saan nais i-claim ng ePhilID.
  5. Ilagay ang One-Time Password (OTP) na ipinadala sa e-mail address o contact number.
  6. Pumili ng araw at oras ng appointment.
  7. I-check ang mga detalye ng appointment. Tandaan na ito ay hindi maaaring gamitin ng ibang tao.
  8. May appointment slip na ipapadala sa e-mail address na ibinigay. Maaari itong i-print o i-save sa mobile device.
  9. Pumunta sa registration center na napili sa petsa at oras ng appointment, at ipakita ang appoinment slip, transaction slip at isang (1) valid ID.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula na ang rollout ng ePhilID, ang electronic version ng national ID. Sa PhilSys registration centers lang ito maaaring i-print, at magagamit habang wala pa ang physical na PhilSys ID.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results