Isa ako sa mga mommies na “abanger” ng mga big monthly sale ng Lazada at Shopee.
Simula kasi nung na-discover ko ang online shopping nitong pandemic, hindi ko akalaing bukod sa convenience na dulot nito ay mas malaki ang matitipid ko.
Para sa isang single mom na gaya ko, naging malaking problem talaga sa akin ang grocery shopping dahil una, walang magbabantay kay baby; pangalawa, I am putting both of us at risk sa COVID-19.
Kaya wala akong choice kundi mag-online shopping na lang.
Nung simula, I went for big supermarkets kasi puwedeng same-day delivery. But over time, mas naging wais ako, at lahat ng baby essentials ni baby ay sa Lazada, Shopee, at iba pang shopping platforms ko binibili tuwing may sale.
Actually, halos minsanan ko na lang ito ginagawa sa isang taon, kaya kahit tumaas ang presyo ng mga bilihin, hindi ako affected.
Heto ang mga tips ko para mga mommies:
GO FOR BIG-SIZED ITEMS OR GIANT PACKS
Dahil ayaw ko talagang lumabas nitong pandemic, itinigil ko ang tingi-tingi, lalo na kung ang items ay may matagal-tagal na expiry date.
Itong diaper, halimbawa, sobrang sulit itong PHP919 for 116 pieces sa edamama.ph.

Kung bibili ka ng 38-pack sa presyong PHP356, nakatipid ka ng PHP167.00 at sa shipping fees.
If you need a bigger size, competitive na rin ang pricing ng mga supermarkets para makasabay sa bagsak-presyong deals ng mga online shopping platforms.
Ang medium size ng diaper na ito ay mabibili sa Go Kart ng Robinsons Supermarket sa halagang PHP700 for 70 pieces.
Mas jackpot ka pa kung may free delivery ang brand.
Sa Lazada naman, inaabangan ko ang LazFlash sale.
Itong Unilove Airpro Baby Diaper, for example, ay lumalabas na PHP6.50 lang per piece dahil nasa PHP196 pesos lang ang 30-piece pack.

Halimbawa namang ma-miss mo ang deal na ito, hindi ka pa rin lugi sa two-pack promo na PHP421 per 60 pieces.

CHECK OUT THE FLASH SALES AND DEALS
Speaking of flash sales, sobrang tuwa ko sa baby wipes at cotton buds na ito na nabili ko for PHP11 sa Flash Deals ng Shopee.

Sa lahat ng napuntahan kong supermarket, wala talagang makakatalo sa presyo nito.
Noong una, nag-alangan ako kasi baka magka-rashes si baby dahil inisip ko, fake kaya mura.
Pero hindi naman sensitive ang skin ni baby at maganda rin naman ang reviews kaya sinubukan ko.
And in fairness, bukod sa almost PHP200 savings, hindi pa siya basta-basta napupunit o natutuyo at kasyang-kasya pa sa bulsa ng bag ko.
Naging suki rin ako ng cotton buds sa Lazada, where I get a pack na may 100 tips for PHP4.50, which is 10 pesos lower than the PHP29 per 200 tips of the brand I saw sa online store ng isang mall.

May mas murang deal actually sa Shopee.
Lumalabas na PHP2.95 lang ang isang pack na may 80 tips, yun nga lang naka-20-pack-per-bundle siya for PHP59 pesos. Pang-big family siya.
Dalawa lang kasi kami ni baby sa bahay so baka manilaw lang ang tips dahil I don’t think mauubos namin in a year ang 20 packs kahit araw-araw pa kaming mag-cotton buds.
Based on my computation, pang-two to three years na abasto ito.

GO TO THE MALL’S FLAGSHIP STORES ON SHOPEE AND LAZADA
Nasubukan kong makabili ang 250-ml Cetaphil cleanser for only PHP176.00. I checked the number of products sold, mahigit 350 kaya inisip ko ay legit. Pero mukhang maraming nabudol kasi nung dumating ang product, napakalabnaw.
Ganun din yung Dove Sensitive Baby Wash na nabili ko, amoy Perla, kaya ang laking pagsisisi.
Ang lesson learned ko doon, mag-LazMall or Shopee Mall ka. Hanapin mo ang flagship stores ng brand.
Usually, under the mother company mahahanap ang preferred brand mo. Halimbawa nito ang Unilever for Dove sa Shopee.
Pero ang Cetaphil ay may sarilings store sa Lazada.
Medyo dapat abangan mo lang talaga ang pagpatak ng alas dose para ma-purchase mo agad ang products sa hudyat ng 10.10 sale. Mabilis kasing maubos.
Pero worth it naman ang pagpupuyat kasi alam mong original ang product at makakamura ka talaga.
For today, October 9, 2022, itong Cetaphil Gentle cleanser na 250ml ay PHP545 pesos ang natipid ko, bukod pa sa shopping fees kung bibili ako ng isang piraso.

Sa 1L naman ng Dove Hair to Toe Baby Bath Sensitive, may free shipping o shipping discount, may PHP70 pa na voucher sa Shopee.
Abangan mo ang mga bundles.

Yung vitamins ay kasama sa aking baby essentials.
Sa Pacual Lab Store, naka-buy one take one sa Shopee Mall ang Poten-cee syrup. Mababa naman ng ilang piso ang aking Poten-cee with collagen.

VOUCHERS AND SHIPPING FEES OF PRODUCTS TO BE RETURNED
Kapag saba-sabay ka magche-check out ng lahat ng nasa cart mo on the day of the sale, mas tataas ang puwedeng ma-avail na VOUCHERS. Do not forget to look for this tab.
I-check mo na rin ang benefits ng SPay Later as option sa Payment Method. The more you use this, the bigger will be the amount of your available credit. Tiyagain mo lang ang pagsunod sa mga requirements para you can pay your purchase after a month.
For the Lazada shoppers, some products have installment plans for those with BDO credit cards.
Samantala, sa mga medical devices gaya ng thermometer at nebulizer, I go for Watsons.com.ph.
Minalas lang talaga ako sa Shopee at Lazada dahil naka-dalawang orders ako ng non-contact thermometer at parehong binalik ko dahil ayaw gumana. Nasa PHP250+ ang presyo.
Yung binili kong thermometer sa Watson.com.ph, almost PHP1,600 siya, pero may kasamang Oximeter. Halos two years na rin sa akin.

Gayundin yung aking Nebulizer.
Mas mahal kesa sa mga brands na available sa Shopee at Lazada, pero matibay siya.

“Free shipping” pareho ang products.
Lastly, if you have any problem with your purchase/s, you can return it/them and have it/them shipped for free.
Pag sa online shop abroad ka nakabili, mas kumplikado. So make sure you got the size correctly, and read the reviews thoroughly.
Ayan, mommies, maghanda na para sa 10.10 sale if you want na makatipid nang mas malaki.
Tiyak na pagkakaguluhan ang milk at iba pang baby stuff kaya wag palalampasin ito.
Note that even ShopSm and Metromart ay may promos din gaya ng 50-percent discount, piso sale, buy one take (or get) 1, at additional promo codes sa checkout.
May you have plenty of savings and enjoy your shopping!