Magbubukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang 1.1 milyon na passport slots hanggang sa katapusan ng December 2022.
Ayon sa pahayag ni DFA Secretary Enrique Manalo noong October 12, nauna nang nagbukas ang ahensiya ng 803,000 passport slots hanggang noong nakaraang buwan sa ilalim ng bagong administrasyon para mas maraming ma-accommodate ang kasalukuyang consular services.
Sinabi naman ni DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr. na simula ngayong first week ng October ay 300, 000 passport slots muna ang bubuksan, at saka isusunod ang karagdagang 800,000 appointment slots.
Ani Bensurto, "I think it was very important to stretch, streamline, and tinker the process. The system itself to allow us to open the slots all the way to December.
"So that's how we were able to do it essentially."
Bukod naman sa pagresolba sa passport backlog, pinasinayaan din ng DFA noong October 12 ang mga ipinaayos na pasilidad sa Aseana office, kabilang ang mga bagong escalators at elevators.
Para sa passport appointment at iba pang inquiries, i-click ang link na ito: dfa.gov.ph.