Inilunsad ng Office of the President (OP), sa pakikipagtuwang sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nationwide parol-making contest na naglalayong itampok ang kultura at pagiging malikhain ng mga Pinoy.
Tinawag na "Isang Bituin, Isang Mithiin: A Nationwide Parol-Making Competition," ang magwawagi sa contest ay mag-uuwi ng PHP100,000 premyo.

Itatampok din ang mga magwawaging parol sa gagawing pag-iilaw ng christmas tree sa Malacañang Palace.
Naririto ang mga patakaran sa pagsali:
- Bukas ang contest sa lahat ng indibidwal o grupo. Kung grupo ang kalahok, hindi dapat lumampas sa apat ang mga miyembro.
- Ang parol ay dapat na yari sa “at least 70 percent endemic materials” mula sa Pilipinas.
- Kailangang may pailaw. Bawal ang pailaw na apoy ang gagamitin.
- Ang sukat ay dapat na dalawang piye (feet) ang diameter. Ang kapal sa pinakagitna ay dapat na nasa 35 percent ng diameter nito.
- Kailangang matibay at hindi masisira ulanin man o arawin.
- Kailangang isumite ng local government units ang napiling parol entry sa Malacañang, on or before November 14, 2022.
Ang criteria sa pagpili sa magwawaging parol ay batay sa mga sumusunod:
- Pagsunod sa itinakdang parol specification (30 percent);
- Paggamit ng Philippine endemic materials (20 percent);
- Husay ng pagkakagawa (25 percent);
- At pagiging malikhain (20 percent).
Ang second place winner ay tatanggap ngPHP75,000, at PHP50,000 naman sa third place winner.
Lahat ng magwawagi ay tatanggap din ng laptop, at itatampok sa Radio Television Malacañang.
Ihahayag ang mga nagwagi sa December 3, 2022 kasabay ng Christmas Tree Lighting Event sa Malacañang Palace.
Ang mga interesadong lumahok sa parol-making contest ay maaaring makipag-ugnayan sa inyong LGU.
Puwede ring mag-e-mail sa sosec@malacanang.gov.ph para sa iba pang katanungan.