PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

High school in Dagupan wins World’s Best School Prize plus PHP3M

Tinalo niya ang Switzerland at Indonesia.
by Bernie V. Franco
Published Oct 21, 2022
Bonuan Buiquig National High School
Mula sa libo-libong entry, ang Bonuan Buquig National High School sa Dagupan, Pangasinan ang nahirang na winner sa World’s Best School Prizes competition sa ilalim ng Environmental Action category.
PHOTO/S: Facebook

Itinanghal na grand winner ang Bonuan Buiquig National High School (BBNHS) ng Dagupan, Pangasinan sa isang international competition for schools.

Nakapag-uwi ng $50,000 o PHP3 million ang school bilang premyo sa Environmental Action category ng World’s Best School Prizes competition ng Global Education Organization at T4 Education.

Ang T4 ay isang global body ng mga guro “from around to world via a digital platform providing tools and initiatives for education.”

Nanalo ang BBNHS para sa "Ilog Ko, Aroen Ko Adopt-a-River," isang mangrove planting project na sinimulan matapos ang matinding pinsalang dulot ng bagong Pepeng sa kanilang lugar noong 2009. Malaking bahagi ng siyudad ay nalubog sa baha noon.

Mahigpit na naging katunggali ng BBNS ang dalawa pang international schools, ang Green School Bali sa Indonesia, at ang International School of Zug and Luzern sa Zug, Switzerland.

Ang final three na ito ay napili mula sa 1,000 entries mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mapili ang final three, nagkaroon ng public voting para matulungan ang mga hurado sa pagpili ng final winner.

mangrove planting

Nanalo ang Bonuan Buiquig National High School sa World's Best School Prize competition para sa mangrove planting project nito

Halos hindi naman makapaniwala ang BBNHS principal na si Renato Santilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa napanalunan nilang premyo, buong Dagupan ang makikinabang sa kanila.

“Magkakaroon ng nursery ng mangrove kung saan dito ay magbibigay kami ng propagules sa lahat ng partners ng school,” ani Santilla sa ulat ng Bombo Radyo.

“And this prize will benefit all the Dagupeños. Lahat po ng Dagupeños ay magbe-benefit dito sa prize na ito.

“Ibabalik namin sa lahat, hindi lang sa buong Dagupan.”

Bukod sa Environmental Action category, ang apat pang categories sa kumpetisyon ay Community Collaboration, Innovation, Overcoming Adversity, at Supporting Healthy Lives.

May total prize na $250,000 ang kumpetisyon na equally divided sa limang winners sa bawat kategorya.

Ang World’s Best School Prizes competition ay kumikilala sa kahalagahan ng mga estudyante at paaralan sa paggawa ng mga hakbang kontra global warming at climate crisis.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa libo-libong entry, ang Bonuan Buquig National High School sa Dagupan, Pangasinan ang nahirang na winner sa World’s Best School Prizes competition sa ilalim ng Environmental Action category.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results