PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

E-philID puwede na sa passport application

Kailangan lang na malinaw ang mga impormasyon.
by KC Cordero
Published Oct 24, 2022
Photo of ePhilID
Para magamit nang maayos ang ePhilID sa passport application, kailangang malinaw at madaling basahin ang mga detalye, at tugma sa mga impormasyon na nasa iba pang dokumento gaya ng birth certificate.

Tatanggapin ng Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs ang printed version ng electronic National ID o ePhilID bilang accredited government-issued valid ID para sa passport application.

Ito ang ini-anunsyo ng DFA noong October 21, 2022.

Matatandaang noong October 3 ay sinimulan na ng Philippine Statistics Authority ang printing ng ePhilID sa PhilSys registration centers bilang pansamantalang kapalit ng National ID habang wala pa ang actual na PhilSys ID.

Taglay ng ePhilID ang mga functionality at validity ng physical ID.

Maaari rin itong ipa-laminate.

Read: Paano makakuha ng ePhilID, ang printable version ng national ID?

Para sa mga nagpa-register na sa National ID at wala pa ang kanilang physical ID at nais magkaroon ng ePhilID, i-click ang link na ito.

Ayon sa DFA, para magamit nang maayos ang ePhilID sa passport application, kailangang malinaw at madaling basahin ang mga detalye at impormasyon.

Kailangan ding tugma ang mga detalye sa iba pang kalakip na dokumento, gaya ng birth certificate sa passport application.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa link na ito ang mga impormasyon kung anu-ano ang mga kailangan sa pagkuha ng passport.

Noong October 12 ay ini-anunsyo ng DFA na magbubukas ang ahensiya ng 1.1 milyong passport slots hanggang December 2022 para mas maraming Pilipino ang ma-isyuhan ng pasaporte, at mabawasan ang backlogs nito.

Read also: DFA magbubukas pa ng 1.1 million passport slots hanggang December

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para magamit nang maayos ang ePhilID sa passport application, kailangang malinaw at madaling basahin ang mga detalye, at tugma sa mga impormasyon na nasa iba pang dokumento gaya ng birth certificate.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results