Metro Manila malls, may bagong operating hours

by KC Cordero
Nov 8, 2022
Photo inside a mall
Simula November 14, 2022 ay 11:00 a.m. hanggang 11:00 p.m. na ang operasyon ng mga malls sa Metro Manila. Alinsunod ito sa kahilingan ng Metropolitan Manila Development Authority para mapagaan ang daloy ng trapiko. (Photos courtesy of Robinsons Magnolia)

Mas mahaba na ang oras para mag-Christmas shopping!

Simula November 14, 2022, ang bagong operating hours ng mga malls sa Metro Manila ay mula 11:00 a.m. hanggang 11:00 p.m.

Ito ang napagkasunduan ng mga mall owners and operators sa Metro Manila sa ginanap na consultative meeting kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ginanap ang pagpupulong ngayong araw, November 8, 2022, sa bagong MMDA building sa Pasig City.

Hiniling ni Acting MMDA Chairman Romando Artes na baguhin ang mall operating hours para mapagaan ang daloy ng trapiko na inaasahan na ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Bukod sa bagong operating hours, idinagdag ni Artes na, “Mall-wide sales will be only allowed during weekends.

“Also, deliveries will be from 11:00 p.m. to 5:00 a.m. only. Exempted from the regulation are deliveries of perishable goods, restaurants serving breakfast, and groceries.”

Pinagsusumite rin ng MMDA ang mga shopping mall operators ng traffic management plans at ng schedule ng sales at iba pang promotional events dalawang linggo bago ang nakatakdang petsa ng pagdaraos nito.

“We will make a further study on their traffic management plan. We will deploy the necessary number of traffic enforcers to man the traffic,” ani Artes.

Ang bagong schedule ay tatagal hanggang January 6, 2023, depende sa sitwasyon ng trapiko pagkatapos ng Holiday Season.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng malls na kinabibilangan ng Robinsons, SM Malls, Araneta Center, Greenhills Shopping Center, Ortigas Shopping Center, Trinoma, Vertis, at iba pa.

Inianunsiyo rin ng MMDA ang pansamantalang pagpapahinto sa lahat ng excavation activities sa mga kalye sa National Captial Region (NCR) simula 12:00 a.m. ng November 14 hanggang 12:00 a.m. ng January 6, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kabilang sa ipahihinto ang isinasagawang malalaking proyekto ng gobyerno, at ang pag-aayos ng mga tulay at daan at iba pang ipinatatayo ng Department of Public Works and Highways.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula November 14, 2022 ay 11:00 a.m. hanggang 11:00 p.m. na ang operasyon ng mga malls sa Metro Manila. Alinsunod ito sa kahilingan ng Metropolitan Manila Development Authority para mapagaan ang daloy ng trapiko. (Photos courtesy of Robinsons Magnolia)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results