Isasagawa ang Voices of Mindanao, Women Journalists in Action workshop sa November 29, 2022, sa Fort Santiago, Intramuros, Manila.
Inisyatiba ito ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na may layuning:
(1) mabigyan ang mga kababaihang mamamahayag ng pagkakataong alamin at gamitin ang kanilang responsibilidad na maging tagapagpalaganap ng pagbabago.
(2) tulungan silang ma-consolidate ang network o grupo nila sa Mindanao.
Bahagi rin ito ng mas malawak na estratehiya ng UNESCO para magkaroon ng empowered environment ang mga taga-media, tukuyin ang kaligtasan at well-being ng mga babaeng mamamahayag sa mga delikadong lugar, at marinig ang kanilang tinig, hindi lang sa Mindanao, kundi sa buong Pilipinas.
Isinasagawa ng UNESCO ang ganitong training na nakapaloob sa framework ng UN Joint Programme (UNJP) on Human Rights in the Philippines.