Malaking bilang ng mga Katolikong Pilipino ang mas gustong makatanggap ng cash bilang aginaldo ngayong Pasko.
Batay ito sa inilabas na Veritas Truth Survey (VTS) ng Radyo Veritas noong December 3, 2022.
Isinagawa ng himpilan ng radyo na pag-aari ng Simbahang Katoliko ang survey mula November 1 to 30, 2022.
Nasa 1,200 respondents ang tinanong kung ano ang mas gusto nilang matanggap na regalo sa Pasko.
Thirty-eight (38) percent ng respondents ang nagsabing gusto nila ng cash.
Samantala, 32 percent naman ang mas gusto na “in kind” ang matanggap sa Pasko.
Nasa 22 percent naman ang nagsabing puwede sa kanila ang cash o in kind.
Ang eight percent ay undecided kung anong regalo ang mas gustong tanggapin.
Sa mga kababaihang respondents, 39 percent ang gustong makatanggap ng cash. Mas mataas ito kaysa sa kalalakihan na 37 percent ang pumili ng cash bilang regalo.
gifts across all ages
Ang respondents ng survey ay nahati rin sa apat na age groups: teenagers mula 13 hanggang 20 years old, young adults na edad 21 hanggang 39 years old, middle-aged individuals na 40 to 60 years old, at senior citizens na may edad 61 and above.
Tatlo sa apat na age groups ang gustong makatanggap ng cash gifts. Ito ang top choice ng 53 percent ng young adults, 35 percent ng middle-aged individuals, at 34 percent ng senior citizens.
Para sa mga teenagers, 17 percent lang ang pumili ng cash gift. Ang 58 percent sa kanila ay gustong makatanggap ng gifts na in kind, habang 17 percent naman ang nagsabing kahit ano, at eight percent ang undecided.
Sa young adults naman, 25 percent ang may gusto ng in kind na regalo, 15 percent ang sumagot ng "kahit ano," at seven percent ang undecided.
Ang 35 percent ng middle-aged respondents at 31 percent ng senior citizens ay gusto pa ring makatanggap ng regalo na hindi pera at sa halip ay in kind.
At tila habang tumatanda ay mas gusto ng respondents na masorpresa. 27 percent ng mga nasa edad 40 to 60 years old ay nagsabing kahit ano ang gusto nilang matanggap, at ito rin ang sagot ng 23 percent ng senior citizens.
Undecided naman ang 3 percent ng middle-aged respondents at 12 percent ng senior citizens.
Ang 35 percent ng respondents para sa 40-60 age bracket ay nagsabing mas gusto nila ang cash; 35 percent din ang in kind; 27 percent ang nagsabing kahit ano ang gusto nilang matanggap; at three percent ang undecided.
Marami rin sa mga tinanong ang nagsabing in cash or in kind man ang matanggap nilang regalo, “It’s the thought that counts.”