PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Premarital sex sa Indonesia, ipagbabawal na

May parusang isang taon na pagkakabilanggo sa offenders.
by KC Cordero
Published Dec 8, 2022
Couple at the bay
Kung maipapasa ang bagong criminal code sa Indonesia na nagbabawal sa premarital sex, applicable ito sa Indonesian citizens at maging sa mga dayuhan.

Nakatakdang ipasa ng Indonesian Parliament ang Draft Criminal Code na magpaparusa sa mga sangkot sa premarital sex nang hanggang isang taon na pagkakabilanggo.

Ayon sa Article 413, Paragraph 1, “Anyone who has intercourse with someone who is not their husband or wife shall be punished for adultery with maximum imprisonment of 1 (one) year or maximum fine of Category II."

Magkakabisa ang regulasyon sa itinuturing na “world's most populous Muslim-majority nation” kung ang reklamo ay ihahain ng mister o misis ng nagkasala ng pangangaliwa o ng “parents of children not bound by marriage.”

Gayunpaman, ang reklamo ay maaaring bawiin bago pa man ito makarating sa trial court.

Naganap ang development matapos ang pagpupulong sa pagitan ng Deputy Minister of Law and Human Rights at ng Commission III ng Indonesian Parliament noong November.

Kung maipapasa ang bagong criminal code, applicable ito sa Indonesian citizens at maging sa mga dayuhan.

Nagpahayag naman ng pangamba ang business groups na ang bagong kautusan ay magkaroon ng malaking impact sa imahe ng Indonesia bilang tourist and investment destination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagbabawal din sa Indonesia ang pag-iinsulto sa kanilang presidente o state institutions, pagpapahayag ng pagsalungat sa state ideology nito, love-in relationships, na nagdi-discriminate laban sa kababaihan, religious minorities, at LGBTQ community.

HINDI LANG SA INDONESIA BAWAL ANG PREMARITAL SEX

Ang deklarasyon ng Indonesia na ilegal ang pakikipag-sex bago ikasal ay hindi pinakauna o kakaiba.

Blacklisted din sa Pakistan ang premarital sex at adultery bilang krimen sa ilalim ng Hudood Ordinance. Ang premarital sex ay may parusang hanggang limang taon na pagkakabilanggo.

Sa Afghanistan, pinarurusahan ng Taliban ang “offenders” ng premarital sex at adultery sa pamamagitan ng pagbato hanggang mamatay.

Noong August 2010, isang young couple ang stoned to death ng daan-daang villagers sa Kunduz Province ng northern Afghanistan dahil sa premarital sex.

Sa Qatar, kung saan ginaganap ang 2022 FIFA World Cup, ay ipinagbabawal ng Zina laws ang voluntary sexual intercourse sa pagitan ng babae at lalaking hindi kasal.

Ang ganitong porma ng Islamic legal tradition ay itinuturing bilang mga krimen ang sex outside of marriage, pregnancy out of wedlock, and adultery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang “perpetrators” ay maaaring maharap ng hanggang isang taon na pagkabilanggo.

Ang Muslim offenders ay may karagdagang parusa sa pamamagitan ng pagpalo sa kanila, habang ang married Muslims na nagkasala ay babatuhin hanggang mamatay.

May mga ulat na kahit ang mga dayuhan na nanood ng World Cup ay maaaring mabilanggo nang hanggang pitong taon kung mahuhuling lalabag sa naturang sex ban.

PAGBATO HANGGANG MAMATAY ANG KARANIWANG PARUSA

Sinusunod din ng Saudi Arabia ang Zina laws at ipinagbabawal ang premarital sex.

Gayunpaman, may prerequisite na nagtatakda na kailangang may “four respectable people” na nakasaksi sa actual penetration.

Sa Penal Code ng Iran ay nakasaad na “the penalty for fornication is flogging, that is 100 strokes of the lash, for unmarried male and female offenders.”

Sa Article 83, ang nagkasala ng adultery ay parurusahan sa pamamagitan ng pagbato rito.

Ang Somalia, bilang isang African country na sumusunod sa Islamic law, ay itinuturing ang sex outside marriage na isang criminal offense. Ang mga nahatulan ng Sharia courts ay nahaharap sa brutal na kaparusahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong 2008, isang kabataang babae ang nasawi matapos pagbabatuhin matapos matuklasan ng Sharia court na guilty sa adultery.

Ang Sudan, na isa ring Muslim majority at nasa ilalim ng Sharia law, ay nagpaparusa sa mga naakusahan ng premarital sex and adultery sa pamamagitan ng pagbato sa mga ito hanggang mamatay.

Noong 2012, ang young mom na si Intisar Sharif Abdallah na may isang anak ay natuklasang guilty of adultery at hinatulang mamatay sa pamamagitan rin ng pagbato sa kanya.

Sumusunod din ang Malaysia sa Sharia law, at bawal para sa unmarried Muslims ang mag-meet na nakasarado ang mga pinto.

Kung makita sila na magkalapit o ang tinatawag na “khalwat,” ang couple ay pagbabayarin ng Rs 1,000 ringgit (PHP12,579.35) at makukulong nang hanggang anim na buwan.

Tinutuligsa rin sa Egypt ang sex before or outside of marriage.

Noong 2017, ang Egyptian presenter na si Dohaa Salah ay nahatulang mabilanggo sa loob ng tatlong taon dahil sa pagtalakay sa pre-marital sex sa TV. Pinagbayad din siya ng 10,000 Egyptian pounds (PHP22,513.17) bilang multa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang non-Muslim nation na gaya ng Pilipinas, itinuturing ang adultery bilang mga krimen sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines.

May batas rin ba about premarital sex?

Saad ni Associate Justice Estela Perlas Bernabe sa panayam nito sa Rappler noong October 2019, ang pagbabawal nito ay pagba-violate ng Constitution.

“As of now, I don’t think there is really a prohibition in our law and in the Constitution, and then, it may be argued that to restrict that, or to render it unconstitutional, would infringe on the right to liberty and freedom of expression."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung maipapasa ang bagong criminal code sa Indonesia na nagbabawal sa premarital sex, applicable ito sa Indonesian citizens at maging sa mga dayuhan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results