Kung mayroon kang bakuran at madalas itong gawing tambayan ng isang pasaway na pusa, hindi mo maiiwasang ma-bad trip lalo na kung sinisira nito ang iyong mga tanim at doon din ito dumudumi.
Sadyang naaakit ang pusa sa mga lugar na may mga halaman lalo na kung nakatanim sa paso.
Bagaman at makabubuti sa pusa ang mag-explore para maging active ang katawan nito, nakakapikon naman para sa may ari ng mga halaman, lalo na kung hindi naman niya pet ang pusa.
Pero may isang paraan na ipinayo ang gardening expert na si Richard Jackson na taga-United Kingdom.
Ayon kay Richard, maitataboy ang mga pusa sa pamamagitan ng tea bags.
Aniya, huwag agad itapon ang tea bags matapos uminom ng tsaa.
“Spray old tea bags with deep heat type muscle treatment.”
Ang binanggit niya rito ay ang mga ginagamit nating pampahid sa masakit na parte ng ating katawan. Kalimitan ay kulay green sila.
“Then place it [used tea bags] in problematic parts of the garden and, if needed, cover with a sprinkling of soil to disguise them.”
Puwede rin aniyang ibabad ang used tea bags sa peppermint o eucalyptus oil.
Ayaw pala ng mga pusa ng amoy ng matapang na menthol.
Sabi ni Richard, “It is thought that animals such as cats and foxes will find the scent too overpowering and stay away from wherever they are placed.”
Mas mainam na ilagay ang tea bags na may matapang na amoy sa lugar kung saan madalas dumumi ang pusa o sa ilalim ng mga halaman.
Pagbabahagi pa niya, “These smelly oils should last at least two weeks, even if it rains.”
Maaari rin aniyang ilagay ang scented used tea bags sa plastic na bote.
Dapat lagyan ng butas ang plastic na bote para sumingaw ang amoy ng used tea bags.
Payo pa ni Richard, kahit nagiging perhuwisyo ang pusa sa garden at dumudumi, hindi dapat saktan ang mga ito dahil may mga paraan naman para sila maitaboy.
“Building a fence is probably your best option. Make sure that it is at least six feet tall and buried in the ground.
“For extra protection, you can also add some netting to prevent the animals crawling through from in-between the pickets.”
Sinabi rin niya na hindi dapat mag-iwan ng pagkain sa garden dahil nagiging atraksiyon ito sa iba pang hayop bukod sa pusa.
Huwag din aniyang mag-iiwan ng mga laruan o sapatos sa garden.
“Any toys and shoes should also be kept away from the garden as these can keep animals like cats entertained for hours.”
Naitataboy rin ng ang pusa ng mga halaman na may matatapang na amoy gaya ng lavender at rosemary.
“Felines reportedly hate the smell of lavender and are much less likely to go to the toilet around areas with this beautiful flower.”
Kaya sa mga plantito at plantita, alam na ninyo ngayon ang isang halaman na kailangang kasama sa inyong itatanim sa garden para iwas perhuwisyo sa mga pasaway na pusa.