Sa mga nais pang palawakin ang kanilang skill set, maaaring mag-sign up sa University of the Philippines Open University (UPOU).
Inianunsyo ng UPOU noong January 19, 2023 na available ang 23 short courses, at lima pang karagdagang multimedia production courses.

Libre ang mga short courses, at bukod sa gaganapin virtually, depende rin kung gaano kabilis matatapos ng enrollees.
Layunin ng 2023 Massive Open Online Courses (MOOCs) calendar, na nakatakda mula February hanggang December, na matugunan ang inyong “personal and educational goals.”
Kung ang inyong inclination ay sa arts, maaring kumuha ng courses sa graphic design, basic animation, at video editing.
Sa listahan ay mayroon ding gender sensitivity training at scriptwriting.

Tatalakayin naman sa ibang courses ang psychology, teaching, business, at iba pa.
Bilang katibayan ng inyong pagtatapos, magkakaloob ng e-certificates pagkakatapos ng bawat session.
Puwede ring maidagdag ang 16-hour training sa resume.
Para mag-sign up, gumawa ng account sa UPOU’s Massive Open Distance eLearning (MODeL) official website.
Hintayin ang confirmation.
Mag-browse sa course collection, at mag-enroll.
Para sa higit pang impormasyon, mag-message sa model@upou.edu.ph.