PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BSP nagbabala sa publiko vs. pekeng PHP150 banknote

BSP walang inilabas na 150-Piso denomination banknote
by KC Cordero
Published Feb 3, 2023
The fake PHP150 banknote
Para sa kaalaman ng publiko, walang inilabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas na PHP150 bill. “Images of the said banknote circulating on social media are fictitious.”

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko noong February 2, 2023 na hindi ito naglabas ng PHP150 banknote na naka-feature si Dr. Jose P. Rizal.

Sa likod ng pekeng PHP150 ay tampok naman ang Angono Petroglyphs, ang pinaniniwalaang pinakamatandang artworks sa Pilipinas na may 127 figural carvings na nakaukit sa pader ng kuweba.

Ang namayapang dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino pa ang nakalagda sa pekeng PHP150 bill.

Read also: PHP500 bill na may larawan ni Marcos, fake!

Ayon sa pahayag ng BSP sa opisyal na Facebook page nito, “The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) informs the public that it has not released a 150-Piso denomination banknote featuring Dr. Jose Rizal.

Ipinakita rin ng BSP ang mga larawan ng kumakalat na pekeng PHP150 bill.

The fake PHP150 banknote

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Images of the said banknote circulating on social media are fictitious.

“The public is advised to always check the legitimacy of information found on social media and other channels regarding Philippine banknotes and coins,” ayon pa sa BSP.

Payo nito sa publiko, “To verify, visit the Notes and Coins section of the BSP’s official website www.bsp.gov.ph.”

Hinikayat din ng BSP ang publiko na i-report ang mga taong sangkot sa paggawa o sa distribusyon ng counterfeit Philippine currency sa BSP Payments and Currency Investigation Group.

Maaaring mag-email sa pcig@bsp.gov.ph, o tumawag sa mga sumusunod na numero: +63-2-8988-4833 at +63-2-8926-5092.

Read also: hPHP150 “GomBurZa” (hindi MaJoHa) commemorative coin, ilalabas ng BSP

Naglabas naman kamakailan ang BSP ng limited edition PHP150 coins bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng pagiging martir ng mga paring Katoliko na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, mas kilala sa tawag na Gomburza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa kaalaman ng publiko, walang inilabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas na PHP150 bill. “Images of the said banknote circulating on social media are fictitious.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results