PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Metro Manila Single Ticketing System Approved

Ipatutupad na sa April 2023.
by KC Cordero
Published Feb 10, 2023
Traffic enforcer at work
Magiging standard na kung magkano ang multa at parusa para sa iba’t ibang paglabag sa mga batas trapiko, kung paano magbabayad, pagbawi sa lisensya at plate number, at maging ang pagpapatupad ng traffic laws ng iba’t ibang local government units sa NCR. Full force na rin ang implementasyon ng “no contact policy.”

Inaprubahan na ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Metro Manila Council, na kinabibilangan ng 17 Metro Manila mayors, ang pagpapatupad ng single ticketing system sa pamamagitan ng Metro Manila Traffic Code of 2023, sa buong National Capital Region.

Dahil dito, magiging standard na kung magkano ang multa at parusa para sa iba’t ibang paglabag sa mga batas trapiko, kung paano magbayad at bawiin ang lisensya at plate number, at maging ang pagpapatupad ng traffic laws ng iba’t ibang local government units.

Naaprubahan ito nitong February 1, 2023, at ipapatutupad na ito sa April.

Metro Manila mayors and MMDA meeting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT YOU NEED TO KNOW ABOUT NO-CONTACT POLICY

Ipinaalala naman ng Metro Manila Development Autorithy (MMDA) na full force na ngayon ang implementasyon ng “no contact policy.”

Nangangahulugan ito na wala nang MMDA traffic enforcer na papara sa sinumang driver na may kahit anong traffic violation habang nagmamaneho.

Sa halip, imo-monitor ng mga ito ang anumang traffic violations onscreen sa pamamagitan ng CCTV camera.

Kapag may naging paglabag, ipagbibigay-alam sa may-ari ng sasakyan ang naging violations sa pamamagitan ng koreo.

Ang may-ari ng sasakyan ay bibigyan ng limang araw para i-contest ang violations.

Kung ang opisina ng MMDA ay walang natanggap na pag-contest sa loob ng 10 araw, ipapataw ng MMDA ang kaukulang multa.

Ang multa o kung magkano ang babayaran dahil sa violations ay makikita ng may-ari ng sasakyan kapag nag-renew ito ng kanyang rehistro.

Traffic enforcers at work

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BASIC TRAFFIC RULES TO REMEMBER

Ipinaalala rin sa mga nagmamaneho ng sasakyan na laging tatandaan ang mga sumusunod:

  1. Mag-seatbelt. Maging ang mga pasahero ng kotse at iba pang pribadong sasakyan ay dapat naka-seatbelt. Nakapa-accurate ng CCTV camera at makikita kung hindi naka-seatbelt ang mga pasahero.
  2. Ang mga pribadong sasakyan ay dapat na manatili sa lane nito. Ang yellow lanes ay mahigpit na ipapagamit lang sa mga bus at iba pang public utility vehicles. Maaari lang gamitin ng pribadong sasakyan ang yellow lanes kung liliko sa kanan.
  3. Lumipat lang ng lanes sa broken lines. Huwag sa solid lines, at huwag na huwag sa double yellow lines.
  4. Isang beses lang dapat lumipat ng lane. Ituturing na swerving kapag lumipat sa dalawang lanes.
  5. Huwag gagamitin ang sasakyan kapag araw ng coding, maliban na lang kung window times.
  6. Walang coding sa Marikina at Taguig kaya malayang makapagmamaneho sa dalawang lungsod na ito kapag weekdays.
  7. Wala namang window times sa Makati City at Las Piñas City kaya iwasan ang mga lungsod na ito kapag coding kayo.
  8. Huwag gagamit ng cellphone para tumawag o mag-text habang nagmamaneho. Made-detect ito ng CCTV camera kahit sa madilim na bahagi ng mga daan. Ipinapayo na huminto at pumarada kung kinakailangang mag-text o tumawag.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

COMMON TRAFFIC VIOLATIONS

Sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023, naririto ang “most common traffic violations” na ie-enforce sa lahat ng LGUs sa Metro Manila:

  1. Disregarding traffic signs
  2. Illegal parking (attended and unattended)
  3. Violation of number-coding
  4. Violation of the truck ban
  5. Violation of the light truck ban
  6. Reckless driving
  7. Driving an unregistered motor vehicle
  8. Driving without a license
  9. Violation of the tricycle ban
  10. Obstruction
  11. Improper dress code for motorcycle
  12. Overloading
  13. Defective motorcycle accessories
  14. Unauthorized modifications
  15. Arrogance or discourteous conduct
  16. Loading and unloading in prohibited zones
  17. Illegal counterflow
  18. Overspeeding

Kabilang naman ang mga sumusunod na “special laws” sa implementasyon ng single ticketing system:

  1. Seat Belts Use Act of 199
  2. Child Safety in Motor Vehicles Act
  3. Mandatory Use of Motorcycle Helmet Act
  4. Children’s Safety on Motorcycle Act
  5. Anti-Distracted Driving Act
  6. Anti-Drunk and Drugged Driving Act
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magiging standard na kung magkano ang multa at parusa para sa iba’t ibang paglabag sa mga batas trapiko, kung paano magbabayad, pagbawi sa lisensya at plate number, at maging ang pagpapatupad ng traffic laws ng iba’t ibang local government units sa NCR. Full force na rin ang implementasyon ng “no contact policy.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results