Papayagan ang individual operators ng traditional jeepneys na mag-operate hanggang June 30, 2023, sa bisa ng provisional authority (PA).
Paglampas ng deadline, dapat ay kasapi na ang operators ng isang cooperative o korporasyon para patuloy na makapag-operate.
Naglabas ng abiso rito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes, February 20, 2023.
Saad dito: “Individual operators may continue to operate by virtue of a PA, which is automatically extended until 30 June 2023 under this Memorandum Circular.
"Individual operators may join an existing consolidated entity until 30 June 2023.
"Only those individual operators who are able to join an existing consolidated entity on or before 30 June 2023 shall be allowed to have their PA extended until 31 December 2023."
Ang naunang deadline ng PA ng individual traditional jeepneys sa National Capital Region ay itinakda noong Abril, 2023.
Pero nagbigay ng extension ang LTFRB “for the fourth and last time.”
Ibig sabihin nito, ang mga operators na hindi susunod ay mapapaso na ang kanilang prangkisa.
Ang June 30 ay nag-a-apply rin sa traditional jeepneys nationwide, na ibig sabihin ay sa loob at labas ng Metro Manila.
Read: LTFRB sets June 30 deadline for traditional jeepney operators to switch to modern units
Samantala, inilabas ang LTFRB ang Memorandum Circular 2023-013 sa kabila ng panawagan ng iba-ibang transport groups at commuters na itigil ang planong i-phase out ang traditional jeeps.
Para sa mga rutang walang “consolidated entity” (cooperative o corporation) o filed application for franchise consolidation, ang aplikasyon ng mga ito ay ie-entertain ng hanggang October 31, 2023, ulat ng Philippine Star.
Ayon sa LTFRB, “60 percent of the target number of vehicles for modernization” ang sumunod sa requirements sa ilalim ng modernization program, tulad ng industry consolidation sa pamamagitan ng cooperatives.
Ang natitirang 40 percent ay patuloy na nag-o-operate gamit ang traditional jeepneys.
Isinusulong ang mga kooperatiba para magawa ng mga operator na makabili ng “modern jeeps” na tinatayang PHP2.6 million ang halaga bawat isa sa pamamagitan ng financial institutions.
