PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Philippine flag, ginamit na car cover ng house boy

Posible siyang pagmultahin ng PHP5K to PHP20K at makulong for one year
by Bernie V. Franco
Published Mar 1, 2023
Philippine flag car cover
Nang utusan ng employer ang 25 anyos na houseboy na takpan ang kotse, hindi raw niya akalaing watawat ang gagamiting pantakip. Clueless naman ang houseboy na bawal gamiting pantakip ang watawat.
PHOTO/S: PNP Mandurriao

Kumalat sa social media ang isang nakaparadang dark-colored car na natatakpan ng watawat ng Pilipinas.

Nakunan ito sa Mandurriao District, Iloilo City, noong February 26, 2022.

Isang krimen na maituturing ang maling paggamit sa Philippine flag.

Ang suspek ay isang 25 anyos na houseboy sa Barangay PHCC Block 22, Mandurriao district, ulat ng Iloilo Metropolitan Times.

Napansin ito ng mga kapulisan sa distrito, at pinatanggal ang watawat sa kotse.

Inaresto ang houseboy na hindi pinangalanan. Ayon sa kanya, hindi raw niya alam na bawal gawing pantakip ang watawat.

Napag-utusan lamang daw siya ng kanyang amo na takpan ang kanyang kotse dahil mainit.

Kinuha ng houseboy ang watawat sa loob ng kotse at ito ang ginawang cover.

Sabi naman ng employer, hindi niya alam na ang ginawang pantakip ng kanyang utusan ay ang Philippine flag.

philippine flag car cover

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DISPLAY WITH RESPECT

Ipinaliwanag naman ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang kahalagahan ng paggalang sa watawat ng Pilipinas.

“General pong rule dito is kailangan idisplay natin yung flag nang may respect," ani Juan Paolo Calamlam head ng Heraldtry Section ng NHCP sa ulat ng News5 Everywhere.

“Dapat idi-display natin yung flag na hindi siya madudumihan, hindi siya mapupunit.

“Kailangan talagang ipakita natin ang pagmamahal natin sa flag dahil ang flag ang representasyon o simbolismo ng ating bansa.

“Kung binabastos naman natin ang ating flag, para nating binabastos ang ating mismong bansa. Hindi lang iyan tela,” ani Calamlam.

THE REPUBLIC ACT 8491

Sa Republic Act (RA) 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines sa Section 34, nakasaad ang mga posibleng violations pagdating sa paggamit ng Philippine flag.

Kabilang na rito ang pagsira, pagyurak, o pagdumi sa watawat.

Bawal itong ipansapin sa lamesa, pantakip sa pader, kisame, estatwa, at iba pang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bawal itong isabit sa anumang bahagi ng motor vehicles.

Pinapayagan itong ilagay sa taas ng kabaong ng mga sundalo, war veterans, at iba pang taong nagbigay ng serbisyo para sa bansa.

Bawal din itong gawing disenyo sa industrial, commercial, at agricultural labels.

Ang sinumang mapapatunyang nagkasala ay maaaring magmulta ng mula PHP5,000 hanggang PHP20,000 at pagkakakulong ng isang taon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang utusan ng employer ang 25 anyos na houseboy na takpan ang kotse, hindi raw niya akalaing watawat ang gagamiting pantakip. Clueless naman ang houseboy na bawal gamiting pantakip ang watawat.
PHOTO/S: PNP Mandurriao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results