PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ilang eskuwelahan balik-online classes muna dahil sa transport strike

Para hindi mahirapan sa pagpasok ang mga estudyante
by KC Cordero
Published Mar 6, 2023
Transport groups on strike
Hindi naglabas ng kautusan ang Department of Education para sa suspensiyon ng mga klase kahit may transport strike, kaya nagdesisyon ang ilang eskuwelahan na magdaos pansamantala ng online classes. (Photo courtesy of Kabataan Partylist)

Natuloy ang isang linggong welga ng mga jeepney drivers sa buong bansa na sinimulan ngayong March 6, 2023.

Kung tuluy-tuloy ang transport strike, tatagal ito hanggang March 12.

Ito ay sa kabila ng desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) na pahabain hanggang December 31, 2023 ang deadline sa mga jeepney operators na sumali o kaya ay magbuo ng mga kooperatiba.

Ang orihinal na petsa ng deadline ng "phaseout" ay June 30.

READ ALSO: Ateneo valedictorian na anak ng jeepney driver, nag-offer ng solusyon sa jeepney strike

Gayunpaman, sa kabila ng extension ay itinuloy ng transport groups ang welga.

Anila, walang sapat na paghahanda ang pamahalaan sa pagpapatupad ng planong phaseout ng mga tradisyunal na jeepney.

Dahil dito, ilang eskuwelahan,karamihan ay sa Metro Manila, ang nagpasyang magdaos ng klase nang online.

READ ALSO: Planong phaseout ng traditional jeepneys, gustong ipagpaliban ng ilang senador

Naririto ang mga eskuwelahan na isang linggong virtual ang pagdaraos ng klase para hindi mahirapan ang mga estudyante sa pagpasok:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Assumption College San Lorenzo

Ateneo de Manila University

Cavite State University

De La Salle University (Manila campus)

Far Eastern University (Makati and Manila campuses)

La Salle Green Hills

Malayan Science

Mapua University

Polytechnic University of the Philippines

San Sebastian College – Recoletos Manila

St. Theresa's College of Quezon City

University of the East

University of the Philippines – Diliman

University of Santo Tomas

Ayon naman sa Department of Education, walang suspensiyon ng klase.

Ang mga apektadong estudyante ay papayagang maituloy ang kanilang klase sa pamamagitan ng Alternative Delivery Modes.

Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na hindi na kakayanin ng kagawaran ang anumang pagkaantala ng mga klase nang dahil sa transport strike.

Aniya, sa kasalukuyan ay inaasikaso pa ng DepEd ang pagsasaayos ng learning recovery program kasunod ng malaking naging epekto ng pandemya sa basic education sector ng bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi naglabas ng kautusan ang Department of Education para sa suspensiyon ng mga klase kahit may transport strike, kaya nagdesisyon ang ilang eskuwelahan na magdaos pansamantala ng online classes. (Photo courtesy of Kabataan Partylist)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results