PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Correcting Errors in Birth Certificates

Anu-ano ang mga pasok sa clerical at typo errors?
by Bernie V. Franco
Published Mar 8, 2023
Birth Certificate and Philippine Statistics Authority logo
“Kung may maling letra o mali ang petsa sa iyong birth certificate, di na kailangang dumaan sa korte para ipakorek,” ani Attorney Chel Diokno pagdating sa birth certificate corrections.
PHOTO/S: Facebook (PSA)

May clerical o typographical error ba sa iyong birth certificate na nais mong ipakorek?

Kailangan pa ba itong idaan sa korte? Magkano naman ang aabutin ng gastos?

Kung clerical o typographical error ang birth certificate correction, hindi na kailangang idaan ito sa korte, ani Attorney Chel Diokno, isang Filipino lawyer at human rights advocate.

Read: Validity ng birth, death, at marriage certificates, for life na

Ito ang laman ng isa niyang “Legal Lifehack” video sa TikTok.

“Kung may maling letra o petsa sa inyong birth certificate, di na kailangang dumaan sa korte para ipakorek,” aniya.

Ang pasok sa clerical at typographical error na nakasaad sa Republic Act (RA) 9048 as amended by RA 10172 ay ang mga sumusunod:

  • First name
  • Day or month of birth
  • Sex

Ani Atty. Diokno, maaaring nangyari ang clerical o typographical error noong nilalagay ang mga detalye sa birth certificate.

Maaari nang i-file ang petition for correction sa City o Municipal Registrar kung saan ipinanganak o City o Municipal Registrar kung saan kasalukuyang nakatira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maaaring mag-file ng petisyon ay ang taong concerned o kaya ay ang kanyang mga magulang, kapatid, asawa, o anak.

Kung nasa ibang bansa ka naman, maaaring i-file ito sa Philippine consulate.

Magkano naman ang fee para sa clerical at typographical error?

Correction of first name = PHP1,000

Correction of day/month of birth, or sex = PHP3,000

Hindi pa kasali rito ang gagastusin para sa publication ng petition sa newspaper.

Paalala ng abogado hindi kasama rito ang correction sa nationality, age, at civil status.

Ang mga ito ay itinuturing na judicial o essential corrections at kailangang dumaan sa korte.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Kung may maling letra o mali ang petsa sa iyong birth certificate, di na kailangang dumaan sa korte para ipakorek,” ani Attorney Chel Diokno pagdating sa birth certificate corrections.
PHOTO/S: Facebook (PSA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results