PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Interested na maging bumbero? Magkano suweldo?

Ang salary ng newbie ay halos PHP30K.
by KC Cordero
Published Mar 8, 2023
Firemen at work
Ang buwanang suweldo para sa baguhang bumbero na may posisyong Fire Officer I (FOI) ay PHP29,668.00. May dagdag pang monthly subsistence allowance na PHP4,500. (Photos courtesy of BFP)

Ang buwan ng Marso sa Pilipinas ang itinuturing na pinakamainit na panahon sa buong bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Tinatayang ang average temperature kapag ganitong buwan ay nasa pagitan ng 22.0°C hanggang 32.0°C.

Posible ring dumanas ng temperatura nang hanggang 35°C, gaya nang naobserbahan sa nakalipas na taon.

Dahil dito, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 115-A, s. 1966, itinakda ang buwan Marso bilang Fire Prevention Month para paalalahanan ang publiko sa kahalagahan ng pag-iingat laban sa sunog.

Firemen at work

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa nakalipas na panahon ay may yearly average na mahigit 13,000 insidente ng sunog sa ating bansa.

Noong September 10, 2021, ay isinabatas ang Republic Act 11589, o ang "Bureau of Fire Protection Modernization Act."

Layunin nito na mapalakas ang kakayahan ng mga bumbero sa pagtugon sa mga insidente ng sunog, pagkakaroon ng mga modernong fire equipment, dagdag na mga tauhan, pagkakaloob ng specialized training sa mga bumbero, at iba pa.

Magsasagawa rin ang BFP ng fire prevention campaigns and information drives sa bawat local government unit kada buwan para maturuan ang mga komunidad kung paano maiiwasan ang mga sunog.

READ ALSO: Paano ipakorek ang clerical o typographical errors sa birth certificate?

MAGKANO ANG SUWELDO NG FIREFIGHTER SA PILIPINAS?

Dahil pinapalakas ng BFP ang kanilang hanay, marami ang nagkakaroon ng interes na pasukin ang pagiging bumbero.

Competitive ba ang suweldo?

Sa tala ng Civil Service Commission (CSC), ang buwanang suweldo para sa baguhang bumbero na may posisyong Fire Officer I (FOI) ay PHP29,668.00.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa kasama rito ang monthly subsistence allowance na PHP4,500.

REQUIREMENTS SA PAG-A-APPLY BILANG FIREFIGHTER

Sa mga interesadong mag-apply, narito ang mga requirements:

EDUCATIONAL REQUIREMENT

Kailangang graduate ng kahit anong four-to-five-year course sa college, with eligibility.

Kung wala pang eligibility, kailangang makapasa sa Fire Officer Examination (FOE) na ang CSC ang magsasagawa.

Qualified din ang mga nagtapos ng three-year college course kung bachelor's degree naman ito.

May mga school kasi na may program na tatlong taon ang bachelor's degree course dahil tri-semester.

Firemen at training

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman sa eligibility, qualified ang mga pumasa sa professional o second level eligibility sa Civil Service examination; board and bar passer, at mga nagtapos nang may Latin Honors, pero kailangang kumuha ng certificate sa CSC.

Hindi qualified ang nagtapos ng senior high school, graduate ng two-year vocational course, o kaya ay college undergraduate.

AGE AND HEIGHT REQUIREMENT

Dapat na 21 to 30 years old, at may taas na hindi bababa sa 1.52m o 5' 0” kung babae; at 1.57m o 5' 2” kung lalaki.

Maaari namang mag-apply kahit may asawa na, basta college graduate with eligibility, nasa tamang sukat at hindi pa lampas sa itinakdang edad.

READ ALSO: Printed version ng electronic National ID puwede na sa passport application

HEALTH REQUIREMENTS

May medical phase ang recuitment.

Hindi tatanggapin ang aplikante kung may taglay na sakit at lumabas sa physical examination na hindi kakayanin ang trabaho.

Puwedeng mag-apply ang nakasalamin, malabo ang mata o color blind, basta huwag lang yung hindi na talaga makakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ia-assist ng BFP officers ang may mga health issues kapag nasa application process na.

READ ALSO: Do's and don’ts sa paggamit ng bagong PHP1,000 polymer banknote

IBA PANG DAPAT MALAMAN KUNG MAG-APPLY

Hindi tatanggapin bilang aplikante ang mga nagkaroon ng kasong kriminal, maging ang mga natanggal sa trabaho.

Bawal ding mag-apply bilang bumbero kung may mga tattoo.

Sasailalim din ang aplikante sa Qualifying Written Examination o QWE, na importanteng bahagi ng recruitment process.

Pagdadaanan ito kapag nakapagpasa na ng requirements.

BFP recruitment poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, sasailalim din ang aplikante sa:

  1. Driving skills test
  2. Physical agility test
  3. Panel interview
  4. Nuero-psychiatric examination
  5. Drug test/swab test

CAN GOVERNMENT EMPLOYEES APPLY?

Puwedeng lumipat sa BFP ang isang sundalo, teacher, nurse, agriculturist o empleyado ng gobyerno kung nakapag-resign nang maayos sa dating trabaho, at hindi nag-absent without offcial leave o AWOL.

Kung matatanggap matapos dumaan sa mga proseso, posibleng makuha ang posisyon ng FO1 o Fire Officer 1.

Maaaring magtanong kung may hiring ng fireman sa pinakamalapit na fire station, o tingnan ang Facebook Page ng inyong BFP Regional Office.

Para sa updated hiring memorandum, bisitahin ang RSS BFP NHQ.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang buwanang suweldo para sa baguhang bumbero na may posisyong Fire Officer I (FOI) ay PHP29,668.00. May dagdag pang monthly subsistence allowance na PHP4,500. (Photos courtesy of BFP)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results