PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PhilID Delivery Exceeds 50 Million

PhilID at ePhilID parehong magagamit sa transaksyon bilang proof of identity.
by KC Cordero
Published Mar 9, 2023
Art card about number of National ID delivered
Ang PhilID ang physical na ID, samantalang ang ePhilID ay ang black and white electronic copy maaaring i-download at i-save sa smartphone o kaya ay ipa-print. Alinman dito ay magagamit sa mga transaksyon.

Sa patuloy na implementasyon ng Philippine Identification System (PhilSys)—mas kilala bilang National ID—nakapag-issue na ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 50,176,726 milyon na PhilID at ePhilID.

Iniulat ito ng PSA noong March 6, 2023.

Ang PhilID ay ang physical ID, samantalang ang ePhilID ay ang black and white electronic copy na maaaring i-download at i-save sa smartphone o kaya ay ipa-print.

Magagamit ang PhilID at ePhilID sa mga transaksyon na kailangan ang proof of identity.

READ ALSO: VIRAL: Netizen, "pumayat na" nang natanggap ang National ID

Explanation about ePhilID and PhilID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nabanggit na bilang, nasa 25,126,407 PhilIDs ang nai-deliver na hanggang noong February 28.

Nakapag-issue na rin ng 25,050,319 ePhilIDs, kabilang ang 770,559 downloaded ePhilIDs, hanggang noong March 3.

Iniulat ng PSA na hanggang noong August 26, 2022, nasa 72,348,546 Pilipino na ang nakapagparehistro para sa National ID.

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, na siya ring National Statistician and Civil Registrar General, "We, at the PSA, take this milestone as another step towards our goal of delivering the benefits of being PhilSys-registered to more Filipinos.

“Sinisiguro namin na lahat ng nakapag-register na sa PhilSys ay magkakaroon ng PhilID at ePhilID.

“Anuman sa mga ito ay parehong magagamit ng ating mga kababayan sa kanilang mga transaksyon.”

READ ALSO: National ID, may 3 formats: printed, downloadable, at mobile

Patuloy ang PSA sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa card production and printing, at sa Philippine Postal Corporation (Post Office) para sa paghahatid ng PhilID.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

national id, nagagamit na

Isa naman si Ivan Estreller mula sa Almeria, Biliran sa mga nakatanggap na ng PhilID.

ID user

Ginamit niya ito bilang supporting document nang kumuha siya ng passport sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kinikilala ng DFA ang PhilID bilang valid ID.

Ani Ivan, "Through my PhilID, I was able to process my passport application."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dadalo kasi siya ng seminar sa abroad kaya kinailangan niya ang passport.

READ ALSO: Printed version ng electronic National ID puwede na sa passport application

Para sa mga tulad ni Ivan na nais gamitin ang PhilID bilang supporting document, madali lang i-claim ang iyong PhilID.

May mga field offices at bilang na registration centers ang PSA para sa ePhilID issuance.

Para naman mapabilis ang delivery ng PhilID, may mga tauhan ang ahensya na nagbahay-bahay at sila mismo ang naghahatid.

At kung walang nag-claim nang i-deliver ang PhilID sa kanilang address, may plaza-type distribution din ng PhilID sa mga barangay.

READ ALSO: PHLPost magsasagawa ng “plaza-type” distribution ng national IDs sa mga barangay

Malaking tulong din ang ePhilID para magkaroon ng access sa iba’t ibang financial services, maging sa ayudang ipinagkakaloob ng pamahalaan.

READ ALSO: Paano makakuha ng ePhilID, ang printable version ng national ID?

ID user

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Shaad Mustapha ng Isabela, Basilan, na-claim niya ang kanyang remittances sa pamamagitan ng kanyang ePhilID.

Ang experience ni Shaad ay kaugnay ng layunin ng PhilSys na mapalakas ang “financial inclusion.”

Mahigit 8.4 milyong Pilipino na walang bank account ang nagkaroon sa Landbank of the Philippines sa pamamagitan ng PhilSys.

Ani Shaad, "Masarap sa pakiramdam na hindi na ako hinanapan pa ng ibang ID. Tanggap agad ang dala kong ePhilID."

Sa mga nagparehistro sa PhilSys pero hindi pa naki-claim ang kanilang ePhilID, bisitahin lang ang https://appt.philsys.gov.ph.

Ang mga nakapagparehistro na at nakatanggap ng official text message mula sa PSA ay maaaring mag-download ang PDF copy ng ePhilID sa kanilang mobile devices.

Ipinaalala naman ng PSA na libre ang delivery ng PhilID at ePhilID.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang PhilID ang physical na ID, samantalang ang ePhilID ay ang black and white electronic copy maaaring i-download at i-save sa smartphone o kaya ay ipa-print. Alinman dito ay magagamit sa mga transaksyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results