PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NAIA security screeners bawal magsuot ng uniform na may bulsa

"Theft violates the trust and integrity required of public servants."
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Mar 13, 2023
airport security
Dahil sa mga nag-viral na insidente ng theft at extortion sa ilang foreign passengers, naghigpit ang pamunuan ang Manila International Airport Authority sa mga tauhan nito. “We strongly condemn such unscrupulous, illicit and selfish acts," ani MIAA General Manager Cesar Chiong.
PHOTO/S: Facebook (Office for Transportation Security)

Bawal nang magsuot ng anumang may bulsa ang security screening officers (SSO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang ilang insidente ng "pagbubulsa" ng mga pera at gamit mula sa mga banyagang pasahero.

Iyan at iba pang pagbabago sa service standard policies ang naging tugon ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong sa magkasunod na reklamo ng extortion at theft mula sa mga turistang Thai at Chinese nationals, respectively.

Kailan lamang ay nahuli ang isang SSO na kumuha ng smart watch ng isang Chinese passenger sa Terminal 1 ng airport.

Ilan naman sa kanila ay na-hulicam na kumukubra ng pera mula sa Thai tourist na umabot sa halagang PHP8,000 noong February 22, 2023.

Ayon sa report na nailathala sa The Philippine Star, inamin ni Chiong na matinding dagok ang mga pangyayari sa pinagagandang image sana ng NAIA bilang international tourist gateway.

Hayag ni Chiong, “We strongly condemn such unscrupulous, illicit, and selfish acts. Theft violates the trust and integrity required of public servants, and has serious negative consequences for the airport, its stakeholders, and the country as a whole."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat mga empleyado ng Office for Transportation Security (OTS) ng Department of Transportation ang mga nabanggit, nais ng mga opisyal na nagpapatakbo sa paliparan na maging mas transparent at propesyunal ang mga proseso upang maiwasang maulit ang mga pangyayari.

Bawal na ring makipag-interact directly ang screening officers sa mga pasahero o personal na bitbitin ang bags nito patungo sa kanilang “areas of assignment.”

Mayroon ding ipinatutupad na “facility changes” upang mas maging transparent ang pagsasagawa ng screening, tulad ng pagtanggal ng tints sa glass panels at paglalagay ng CCTV camera na nakatutok sa screening machine sa Terminal 2.

LAGYAN NG BODY CAMERAS! PUTULAN NG KAMAY!

Kanya-kanyang suhestiyon ang mga mambabatas at publiko upang hindi na maulit ang mga reklamo ng pagnanakaw, na lalo umanong nagdidiin na isa ang NAIA sa “worst airports” sa buong mundo.

Ayon sa report ng The Manila Times, kailan lamang ay muli na namang nahanay ang NAIA bilang pangatlo sa mga “Most Stressful Airports in Asia.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyan ito ng gradong 57.8% stress level buhat sa 1,500 Google reviews.

Kung ang Deputy House Speaker na si Congressman Ralph Recto ng Batangas ang tatanungin, mainam daw sigurong lagyan ng body cameras ang mga screening security personnel habang on duty.

Nais naman ni House Speaker Martin Romualdez na sibakin ang lahat ng SSO at palitan ng new recruits subjected to the “highest standards of public service.”

Dagdag pahayag niya sa The Philippine Star, “It sounds a bit extreme, but circumstances call for extreme measures.

"If government personnel commit criminal acts against foreign visitors the minute they land at the airport, it says a lot about our country, so it needs to be addressed sternly.”

Hindi lamang mga matataas na opisyal ng bansa ang napahiya sa panibagong kontrobersiya sa NAIA, na dati ay naging laman ng headlines dahil sa “laglag bala” at “bukas maleta” schemes.

Maging ang mga ordinaryong Pilipino ay naaalarma sa mga pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga galit na galit na nagsabing dapat alisin at palitan ang lahat ng personnel, gaya ng iminumungkahi ni Romualdez.

Suhestiyon naman ng isang netizen, published as is: “Putolan ng kamay…Bago ikulong…para di pamaresan…!!”

PAST AIRPORT CONTROVERSIES

Matatandaang noong 2015 ay naging laman ng balita ang airport dahil sa “pagtatanim” ng bala ng mga ‘empleyado’ sa mga luggage ng mga pasahero at pagde-demand ng pera sa mga ito upang hindi makasuhan.

Malimit na biktima noon ay mga Overseas Filipino Workers (OFWs), senior citizens, at mga turista.

Nito namang nakaraang buwan ay nag-file ng isang Resolution si Senator Grace Poe upang magkaroon ng “creative and secure system” sa mga Philippine aiports.

Ang kanyang hakbang ay bunsod ng mga reklamo ng pagnanakaw at pagsira ng mga luggage ng mga pasaherong lumalapag sa NAIA.

Pahayag ng senadora, “’Bukas maleta' incidents in our airports should not be the norm, and must be properly addressed by the Department of Transportation and the Manila International Airport Authority, in accordance with the redress provided under the Air Passenger Bill of Rights and the Montreal Convention, for the peace of mind of all air passengers sojourning in our airports.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa mga nag-viral na insidente ng theft at extortion sa ilang foreign passengers, naghigpit ang pamunuan ang Manila International Airport Authority sa mga tauhan nito. “We strongly condemn such unscrupulous, illicit and selfish acts," ani MIAA General Manager Cesar Chiong.
PHOTO/S: Facebook (Office for Transportation Security)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results