Limang araw na walang pasok para makasama ang pamilya at makapagnilay-nilay ngayong Mahal na Araw.
Una nang inanunsiyo ng Malacañang na magsisimula ang holiday ng April 6 (Maundy Thursday) at April 7 (Good Friday), na susundan naman ng weekend, Sabado at Linggo (Black Saturday at Easter Sunday), April 8-9.
Tatawid ng April 10, Lunes, ang walang pasok bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan.
In-adjust ang Araw ng Kagitingan na ipinagdiriwang tuwing April 9, Linggo, at inilipat sa Lunes.
Inilabas ang anunsiyong ito sa official Facebook account ng Official Gazette of the Republic of the Philippines nitong March 14.
Post nito: “Pursuant to Proclamation No. 90, s. 2022, Malacañang declares April 6,7, and 10 as regular holidays, and April 8 a special non-working holiday in observance of this year's Holy Week (April 6-9) and Day of Valor (April 10).”
Sa official statement ng Malacañang, sinabi nitong ang extended weekend ay pagkakataon para may one extra day para makasama ang mga mahal sa buhay.
"Gamitin natin ang pagkakataong ito upang makapagbigay ng oras sa ating mga mahal sa buhay habang responsable tayo sa pagsunod sa mga health at safety protocols.
“Nawa'y maging mapayapa at makabuluhan ang panahong ito para sa lahat.”
Matatandaang idineklarang regular holiday ni Pangulong Bongbong Marcos ang April 6-7 sa pamamagitan ng Proclamation No. 42 noong August 2022.
Ang April 10 naman na tumapat ng Lunes, ay idineklarang holiday sa pamamagitan ng Proclamation No. 90 noong November 2022.
Dati nang binanggit ng Pangulo na ginawa ang ilang adjustments para hikayatin ang domestic travel at mapalakas ang turismo sa bansa.
Halimbawa, sa bisa ng Proclamation No. 90, ang November 30, o Bonifacio Day na tumapat ng Thursday, ay in-adjust din ng November 27 (Lunes) para magkaroon ng extended weekend.
Samantala, narito ang listahan ng adjusted Philippine holidays ngayong 2023
- April 29 (Saturday) to May 1 (Monday, Labor Day)
- June 10 (Saturday) to June 12 (Monday, Independence Day)
- August 19 (Saturday) to August 21 (Monday, Ninoy Aquino Day)
- August 26 (Saturday) to August 28 (Monday, National Heroes Day)
- November 25 (Saturday), November 26 (Sunday), November 27 (adjusted holiday for Bonifacio Day)
- December 8 (Friday, Feast of the Immaculate Conception of Mary) to December 10 (Sunday)
- December 23 (Saturday) to December 25 (Monday, Christmas Day)
- December 30, December 31, January 1, January 2
