Bilang bahagi ng pag-oobserba sa Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, ipinaalala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na pabakunahan ang mga alagang hayop.
Ipinayo rin ng PhilHealth na agad kumunsulta sa doktor sakaling nakagat ng hayop, para maiwasan ang rabies infections, rabies-related injuries, at maging kamatayan.

Ang rabies, o kamandag ng hayop, ay isang uri ng human infection na nakukuha ng tao matapos makagat o kaya ay makalmot ng hayop gaya ng aso at pusa.
Naisasalin ito sa tao kapag ang infectious material tulad ng laway ng hayop ay nagkaroon ng direct contact sa fresh skin lesions.
Pahayag ni PhilHealth acting president and chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. sa inilabas na statement ng ahensiya last March 19, 2023, “Addressing rabies begins with prevention.
“This can be done by ensuring that pets like dogs are properly vaccinated against rabies."
Read also: Pusang "graveyard shift" vendor sa bangketa, nabigyan ng makeover
Mahigpit na ipinaalala ni Ledesma sa publiko na huwag mag-aatubili na magpatingin sa doktor sakaling nakagat ng hayop.
Aniya, “The treatment of animal bites are covered by PhilHealth, so the families of bite victims should not be worried about medical costs.
"It is very important that rabies is either ruled out or detected early.
Dagdag pa ni Ledesma, “Majority of rabies-related deaths occur when bite victims do not get diagnosed immediately and are not given the appropriate post-bite treatment."

Noong 2022, batay sa tala ng Department of Health (DOH), nasa 200 hanggang 300 Pinoy ang namatay sanhi ng rabies.
Kaya paalala pa ni Ledesma, “All of these deaths could have been prevented with the right care.
"Kung makagat kayo ng aso o anumang hayop, magpatingin agad sa ospital at huwag ninyong isipin ang babayarin. Nandito ang PhilHealth para sa inyo."
Read also: ALAMIN: PhilHealth benefits para sa mga miyembrong buntis
Simula noong 2012, nag-o-offer na ang PhilHealth ng Animal Bite Treatment Package (ABTP), na saklaw ang gastos sa post-exposure prophylaxis (PEP) treatment ng lahat ng Pinoy.
Ang ABTP ay nagkakahalaga ng PHP3,000 para sa PEP services, gaya ng vaccines, immunoglobulin, antibiotics, and supplies.
Ang primary na cover ng PEP ay para sa kagat ng aso.
Pero maaari ring masaklaw kung nakagat ng iba pang domestic animals, gaya ng pusa, baka, baboy, kabayo, at kambing.
Ang kagat ng wild animals, gaya ng paniki at unggoy, ay saklaw rin ng ABTP.