Ibinahagi ni Jonald Traquiña sa kanyang Facebook account last March 22, 2022, ang ilang mahahalagang tips para sa mga kukuha ng Licensure Examination for Teachers.
Isang guro si Jonald sa Southern Luzon State University (SLSU)-Polillo Campus
Sa nasabing university rin siya nag-aral ng Bachelor of Elementary Education, at nagtapos bilang cum laude noong May 2019.
Top 3 naman siya sa January 2022 LET, at may rating na 92.20 percent.
Ang inspiring story ni Jonald ay na-feature ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 21, 2022.
Sa pagkakataong ito, tampok ang mga strategies niya para makapasa—or better yet, maging topnotcher—sa LET.
EYES ON THE GOAL

Bago makapasa, kelangang mag-set ng targets para sa priorities at deadlines.
Importante ito para magkaroon ng focus, at para hindi madistract sa mga bagay na hindi makatutulong sa pagre-review.
Helpful ito lalo na sa mga naka-graduate na.
Kaydali kasing i-push back ang mga dapat aralin, thinking na mahaba ang oras.
Pero ang mindset dapat ng mga nagre-review: Now is the time.
Sa mga undergraduate students, it will not be too early to read review materials since makakatulong naman sila para mas maintindihan at matandaan ang mga lessons.
Read also: Gwyneth Grace Porras, BTS fan, Top 7: “My best moment is yet to come.”
MAG-ENROLL SA REVIEW CENTER
This is actually optional.
Pero marami sa exam takers ang nagsabing very helpful ito. Mako-cover nito lahat ng concepts, pati na rin mga tanong na mahihirap.
Tutulungan ka rin ng review center na makuha ang iyong lisensya.
Ipinayo rin ni Jonald na bawasan ang oras na inilalaan sa social media habang nagre-review.
ORGANIZE YOUR REVIEW MATERIALS

Ito ang isa sa pinakamahalagang dapat gawin ng reviewer: i-organize lahat ng review materials.
Per concept ba dapat? Unahin mo ba ang madadali o mahihirap?
KNOW YOUR LEARNING STYLES
Dapat alam mo kung anong klaseng learner ka, at kung paano mo natatandaan ang mga pinag-aaralan.
Ani Jonald, "Sa part ko, nag-drawing ako sa notebook, gumawa ng concept and mind map, nanood ng videos sa YouTube, nakinig sa mga review habang nakapikit, nag-attend sa mga lectures at ginamit ang buong katawan para matandaan ang mga konsepto."
Read also: Shanna Mae Goyena, Top 2 sa Architecture Licensure Exam; excited "makatulong" sa mga magulang
MAKE ALTERNATIVE VERSIONS OF YOUR REVIEW MATERIALS

Depende ito sa learning style mo.
If mas ma-visual kang tao, then puwede kang gumawa ng sarili mong PowerPoint para malagyan ng pictures.
Kung audio naman, you may read the materials aloud and record them o di kaya ay gumamit ng audio books.
Importante ito para mas matandaan ang ni-review.
Read also: Rahma Arabani: pasado sa board exam, panalo sa mga pagsubok na pinagdaanan
WRITE DOWN DIFFICULT CONCEPTS AND PASTE THEM ON THE WALL

Para mas makabisado, isulat at ilagay ito sa lugar na parating nakikita.
Read also: Van Gabriel Pineda, after malugi sa tapsi business, nag-Top 8 sa board exam.
DO YOUR OWN RESEARCH
Ang pinaka-epektibong paraan para mas maunawaan ang inaaral ay mag-research.
Ke self-review o bitin ang oras sa review center, make it a point to research via Google and YouTube.
Read also: Loi Canino: Nag-shift, ligwak sa scholarship, Top 9 sa board exam at may PHP300K cash gift
ANSWER DRILL QUESTIONS

Ika nga, practice makes perfect.
Ang pagsagot ng mga previous questions ay magandang pagsasanay para matukoy ang kahinaan, at ma-practice na rin ang grace under pressure.
Mas maganda kung orasan ang sarili para malaman na rin kung aling parte ng exam ang kakain ng pinakamahabang oras.
Read also: Ma. 3’shxia Domingo, regional topnotcher, naaberya sa criminology board exam dahil sa name
MASTER AS MANY CONCEPTS AS YOU CAN

Mastery is the key.
Kung na-master mo ang bawat concept sa exam, kahit baligtarin ang mga tanong o i-paraphrase, hindi kakain ng maraming oras ang pagsagot sa bawat tanong.
Hindi naman kailangang ma-perfect ang board exam, pero kailangang marami kang kayang sagutan.
Makikita rin ang patterns sa mga reviewers. Sa bawat taon ba, may consistent questions?
Read also: Roderick Cajefe, nagpagawa na ng "congrats" tarpaulin bago naging topnotcher
PRACTICE...EVEN THE SHADING

Maglaan ng oras para dito.
Mag-print ng scantron paper, at mag-practice ng shading kahit nasa bahay para hindi maging cause ng delay o aberya ito.
Read also: Mary Grace dela Cruz, “nabudol” para kumuha ng architecture, lisensiyado na ngayon
PRAY

Before the review or when you're under great pressure, prayer helps.
Hanggang sa mismong araw ng exam, ipagdasal pa rin na sana ay matandaan ang mga tanong—at kung hindi naman—dalhin ka pa rin sa tamang sagot.
Read also: Meet Francis Gubangco: Lumaki sa slum area, nagtiis sa PHP17 na baon, engineer na ngayon