Pormal nang binuksan ng Taguig City government sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano ang Life of Christ exhibit noong April 3, 2023 na nasa TLC Village, Barangay Lower Bicutan.
Bukas ito sa publiko na gustong magnilay ngayong Lenten season.
Ang Life of Christ exhibit ay maaaring bisitahin hanggang Easter Sunday, mula 8:00 a.m. hanggang 10:00 p.m.
Matutunghayan dito ang naging buhay ni Hesus, pati kamatayan at muling pagkabuhay Niya.
Read also: Ruben Enaje, huling beses na magpapapako sa krus ngayong Semana Santa matapos ang 34 years
Pangunahing atraksiyon dito ang The Stations of the Cross, Prayer Corner and Prayer Boxes, at Art Installations.
Maaaring gunitain ang mga huling araw ni Hesus sa pamamagitan ng 14 panels na kumakatawan sa 14 na istasyon ng krus.

Bawat istasyon ay may Bible verse, reflection, at activity o kaya ay tanong.
Sa mga may personal na kahilingan kay Hesus, maaaring isulat ang prayer intentions, at magsindi ng kandila sa Prayer Corner and Prayer Boxes.

Mayroon ding interactive cross installation art na nasa gitna ng TLC Square, kung saan isusulat ng mga bisita ang kanilang naging kasalanan at maling pag-uugali sa itim na papel at saka isa-isang ipapako sa krus.
Read also: Tara na sa Mapanuepe Lake, ang “New Zealand ng Zambales”
Ayon kay Mayor Lani, umaasa siyang anuman ang spiritual affiliations at paraan ng paggunita sa Holy Week, dapat ang maging sentro ay ang pagpapasalamat kay Hesus dahil sa Kanyang pagsasakripisyo para matubos ang mga tao sa kasalanan.
Dagdag pa ng mayor, "I also encourage the younger generation to study and experience the Passion of the Christ, especially at this time, when our youth are going through so many trials."
Read also: Lansad Farm sa Apayao, dinarayo dahil sa sobrang sarap na strawberry
