Latest craze ngayon sa Pinoy netizens ang simpleng web app na My Philippines Travel Level.
Kaya naman ang Facebook feeds ay punung-puno ng posts na nagpapakita ng mapa ng Pilipinas, at ang bawat rehiyon ay may iba’t ibang kulay.

Ang proyektong ito ay na-develop ni Denz Del Villar, isang Filipino software engineer na kasalukuyang nakabase sa Singapore.
Ang purpose niya ay para ma-visualize ng users kung gaano karaming lugar na sa Pilipinas ang kanilang nalakbay.
Inspired ito sa Japan version, at nabuo niya gamit ang ReactJS, isang open-source JavaScript framework and library na na-develop ng Facebook.
Ginagamit ito sa pagbuo ng interactive-user interfaces and web applications nang mabilis at efficient gamit.
Read also: Tourism chief, pinakitang safe ang scuba diving sa Puerto Galera
Paano gamitin ang My Philippines Travel Level app?
Ang Philippine map ay binubuo ng 83 Philippine provinces.
Ang gagawin lang ng user ay i-click ang probinsiya at i-shade ito choosing a color na ayon sa level, na base sa sumusunod:
- Lived there – kung naglaan kayo ng malaking bahagi ng inyong buhay sa nasabing area.
- Stayed there – kung natulog kayo sa nasabing area kahit isang gabi lang.
- Visited there – nakapaglaan kayo ng ilang oras para ma-explore ang area.
- Alighted there – kung nag-drop off lang kayo para sa sandaling stopover, layover, or transfer.
- Passed there – napadaan lang kayo sa area pero hindi kayo bumaba o nakatuntong man lang.
- Never been there – kailangan na ninyong bisitahin ang nasabing lugar.

Read also: Tara na sa Mapanuepe Lake, ang “New Zealand ng Zambales”
Ang total score o "level" ay maa-update accordingly.
Maaaring i-save ang image o, better, i-screenshot, at i-share sa social media.
Mare-reset siya if you accidentally click a province, kasi, you will get redirected to Google. Ibig sabihin, mawawala ang mga naunang shadings.
Kaya iwasang ma-click ang probinsiya sa pop-up where you choose the level.

Excited ka nang i-try ito? Just click this link: Philippine map.
Ipinaliwanag ni Denz na technically, mayroon lang 82 probinsiya ang Pilipinas.
Ang Metro Manila ay isang administrative region.
Read also: Vlogger dedma sa mga hindi pabor na mag-post ng travel photos sa social media
Nabanggit din ni Denz na dahil siya ang nag-develop ng My Philippines Travel Level app, medyo diyahe siya dahil ang kanyang level ay 62.

Sa kaso ni former Vice President Leni Robredo, nasa level 315 siya.
Napuntahan na niya ang 83 provinces, "stayed" in 61 of them, visited 20, and she has lived in two.

Samantala, ibinahagi rin ni Denz na gumamit siya ng artificial-intelligence chatbot na chatGPT para mabuo ang proyekto.
Dagdag pa niya, “If you have any comments or if you want to contribute to this project, please do reach out.”
Maaari siyang ma-contact through his Instagram account.