Idineklara ng Malacañang ang April 21, 2023 bilang regular holiday para sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr o ang pagtatapos ng Fasting of Ramadan.
Nilagdaan Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong April 14 ang Proclamation No. 201 matapos irekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na ideklara ang April 21 bilang national holiday.
Read also: Gaano karaming lugar na sa Pilipinas ang iyong nalakbay?
Nakasaad sa bahagi ng proklamasyon (published as is), “In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, it is necessary to declare Friday, 21 April 2023, a regular holiday throughout the country.”
Ang Eid'l Fitr, na isa sa dalawang pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam, ay isinasagawa ng Muslim community tatlong araw matapos ang isang buwan na Ramadan fasting.
Ang anim na porsiyento ng populasyon sa Pilipinas ay Muslim Filipinos.
Read also: Tourism chief, pinakitang safe ang scuba diving sa Puerto Galera
Para kilalanin ang Islamic heritage ng Pilipinas, noong 2002 ay itinakda ng pamahalaan ang Eid'l Fitr bilang regular holiday sa bisa ng Republic Act 9177 at Presidential Proclamation 1083.
Ang nasabing holiday ay dinidetermina sa pamamagitan ng paggamit ng lunar-based Islamic calendar kung kailan masisilayan ang crescent moon sa Islamic month of Shawwal.
Ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo ang Eid’l Fitr, na tinatawag ding Festival of Sweets.
Read also: Rahma Arabani: pasado sa board exam, panalo sa mga pagsubok na pinagdaanan