PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cebu Pacific, may P1SO sale ng domestic, international flights

Hanggang April 19 lang ang sale.
by KC Cordero
Published Apr 17, 2023
Cebu Pacific art card promo
Ibinalik ng Cebu Pacific ang P1SO sale nito para sa domestic and international flights. Ang travel period para sa promo ay mula August 21, 2023 hanggang March 31, 2024.

Nagbabalik ang P1SO sale ng Cebu Pacific, kaya may pagkakataon ang mga nais bumiyahe na makapag-book ng domestic o international flight for PHP1 only.

Inianunsiyo ito ng Cebu Pacific sa official Facebook account nito ngayong April 17, 2023.

Ang promo ay available hanggang April 19.

Cebu Pacific art card promo

Read also: Palasyo idineklarang regular holiday ang April 21

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaaring bumiyahe sa mga sikat na local tourist destinations, tulad ng Boracay, Siargao, at Davao, o kaya ay sa labas ng Pilipinas, gaya ng Tokyo, Hong Kong, Dubai, at sa halagang PHP1 one-way base fares mula sa Manila.

Ang travel period para sa promo ay mula August 21, 2023 hanggang March 31, 2024.

Read also: Gaano karaming lugar na sa Pilipinas ang iyong nalakbay?

Batay sa Cebu Pacific website, kasama sa quoted domestic one-way base fare ang seven-kilogram hand-carry baggage allowance.

Hindi naman kasama ang web admin fee, 12 percent value-added tax (VAT), terminal fees, at maging ang fuel surcharge.

Kasama rin sa quoted international one-way ang seven-kilogram hand-carry baggage allowance, pero hindi kasama ang web admin fees para sa short-haul and long-haul flights, maging ang PHP550 international terminal fee at ang fuel surcharge.

Para makapag-book ng flight, bisitahin ang seat sale section ng Cebu Pacific.

Read also: Tourism chief, pinakitang safe ang scuba diving sa Puerto Galera

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinalik ng Cebu Pacific ang P1SO sale nito para sa domestic and international flights. Ang travel period para sa promo ay mula August 21, 2023 hanggang March 31, 2024.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results